• Home
  • News
  • Bianca Gonzalez shares musings on parenthood: ‘Ang hirap maging magulang’

Bianca Gonzalez shares musings on parenthood: ‘Ang hirap maging magulang’

“Ito pala pakiramdam ng magulang natin nung tayo ang pinapalaki nila sa nagbabagong mundo.”

Humility Javier
by
Humility Javier

5/16/2022 in News
Bianca Gonzalez shares musings on parenthood: ‘Ang hirap maging magulang’

Being a mother is something Bianca Gonzalez doesn’t take lightly. To this point, Bianca shared her honest thoughts on what it means to be a parent in today’s world just in time for Mother’s Day and the presidential elections.

The “Pinoy Big Brother” host took to Instagram to candidly talk about her realizations on what's important for parents to teach children and sound out her followers on the matter last Wednesday, May 11.

“Ang hirap maging magulang. Ito pala pakiramdam ng magulang natin nung tayo ang pinapalaki nila sa nagbabagong mundo,” she began her post.

“Habang tinitingnan ko ang aming mga anak, nag-aalala ako sa mundo ng teknolohiya at disinformation na kalalakihan nila. Paano kaya namin sila matuturuan ng kung ano ang tama at mali, na maging matatag sa kanilang prinsipyo kahit na minsa'y magiging mas mahirap piliin, na matutong makinig, rumespeto at maging bukas sa ibang paniniwala pero wag bibitawan na ang tama ang tama at ang mali ay mali,” Bianca continued.

Part of Bianca’s reflection are how to teach children the value of accountability and a healthy approach to receiving criticism.

“Paano namin matuturuan ang mga anak namin na magkaroon ng pananagutan sa kanilang pagkakamali. Na matutong makinig sa kritisismo at komento. Paano namin mapaparamdam sa kanila na kahit magkamali sila, hindi magbabago ang pagmamahal namin, at ang mas importante ay akuin nila ito, ituwid ang mali, at maging mas mabuti dahil dito,” she wrote.

She also stressed the importance of developing a holistic perspective in life and processing all kinds of emotions and not just the “positive” ones.

“Paano namin matuturuan ‘yung mga anak namin na di pwedeng gustuhin ang ‘good’ at ‘positive’ lang lagi dahil sa totoong buhay, may mga hindi tama at hindi magandang nangyayari, at hindi pwedeng isawalangbahala yun dahil lang mabigat sa damdamin. Na hindi mawawala ang mali kung pumikit ka lang. Na hindi maiiwasan na makaramdam ng lungkot o galit, pero kaya naman natin ma-proseso ang mga emosyon na ito,” she added.

Lastly, Bianca posed the question of how to instill empathy, civic duty, and the importance of standing up for one’s principles in the next generation.

“Paano kaya namin matuturuan ang mga anak namin na hindi dahil kahit papaano'y kumportable sila sa buhay ay hindi na sila dapat maapektuhan sa nangyayari sa iba. Na dahil sila ay kumportable, mas lalong malaki ang responsibilidad nila na maging mulat sa pinagdadaanan ng ibang tao. Na ang pagkabigo ay parte ng buhay, pero ang mas importante kaysa sa pagkapanalo o pagkatalo ay kung paano ka lumaban at kung ano ang iyong pinanindigan,” she said.

According to Bianca, she may not have all the answers to such questions and concerns but she’s willing to do everything she could to raise her children 

“Wala pa akong mga sagot sa tanong na ito, pero kapag nakikita ko ang aming mga anak, alam kong kailangan naming gawin ang lahat para mapalaki sila na puno ng pag-asa at mulat sa mundo, maganda man o hindi ang pinapakita nito. At sila ang dahilan kung bakit patuloy kaming naghahangad ng mabuting kinabukasan,” she ended the caption.

 

 

Related videos:

Read more stories here:

Bianca Gonzalez on being the new ‘PBB’ main host: ‘Windang ‘yung word’

Bianca Gonzalez 'graduates' from COVID-19

'Beyond grateful': Bianca Gonzalez, JC Intal move into their new home

10 prenup themes inspired by celebrity couples

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER