• Home
  • News
  • ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak issues statement on ABS-CBN’s broadcast shutdown

ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak issues statement on ABS-CBN’s broadcast shutdown

"Ang makapaglingkod sa inyo ang aming misyon at ang aming kaligayahan."

Star Cinema Admin
by
Star Cinema Admin

5/6/2020 in News
ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak issues statement on ABS-CBN’s broadcast shutdown

ABS-CBN Corporation's Chief Executive Officer and President Carlo Katigbak issued a statement on the ABS-CBN broadcast shutdown last night, May 5, a few hours after the National Telecommunications Commission (NTC) issued a "cease and desist" order against the network.

His statement follows:

Ako po ay humaharap sa inyo para sa ating ABS-CBN family.

Sa simula pa lang po ng epidemiya ng COVID-19, ang ating pong news team ay araw-araw at oras-oras na nalalagay sa peligro ang buhay para lang maihatid sa atin ang mahalagang impormasyon at balita, para sa kaligtasan natin lahat. Marami po sa inyong mga Kapamilya ay pumasok sa opisina para hindi matigil ang broadcast at serbisyo ng ABS-CBN. Sa umpisa pa lang ng lockdown at marami ang mga Pilipino ang maaring magutom dahil mawawalan ng hanapbuhay, inumpisahan natin agad ang Pantawid ng Pag-ibig, sa ating pagtutulungan, nakapaghatid tayo ng pagkain at ayuda sa lampas dalawang milyon nating Kapamilya.

Sa lahat po ng nagdaang taon, at sa lahat ng nagdaang kalamidad at trahedya, ganito na po ang lagi nating ginagawa. Ang ating ABS-CBN ay nangunguna sa paglikom ng mga donasyon para makatulong sa pag-ahon ng mga biktima. Bukod sa serbisyong publiko, ang ating ABS-CBN ay nakapagbigay din po ng pag-asa at inspirasyon sa pamamagitan ng mga palabas tulad halimbawa ng inyong paboritong, "Ang Probinsyano."

Ang makapaglingkod sa inyo ang aming misyon at ang aming kaligayahan.

Ngayon po ay dumating na ang araw na kami naman ang dumudulog at nananawagan sa inyo.

Hindi po binigay ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lisensya para sa patuloy na paglilingkod ng ABS-CBN, kaya mawawala na po sa ere ang ating ABS-CBN.

Ginawa na po namin ang lahat ng requirement para sa renewal at wala rin po kaming nilabag na batas. Pati po ang Kongreso, na ayon sa batas ay may kapang yarihan na mag-utos sa NTC na magbigay ng provisional authority sa TV at radio stations, ay nagsabi po na bigyan na muna ang ABS-CBN ng provisional authority. Marahil, naintindihan ng ating mambabatas na mahalaga ang ating serbisyo, lalong-lalo na sa panahong ito.

Mga Kapamilya, kung naging mahalaga sa inyo ang ating ABS-CBN, hinihingi po namin na tayo ay patuloy na magtulungan para mapanatili ang serbisyo na naidudulot ng ating istasyon.

Alang-alang po sa mahigit labing isang libong nagtatrabaho sa ABS-CBN, at sa kanilang mga pamilya na maaapektuhan ang kabuhayan at maaaring mawalan ng trabaho. Alang-alang po sa milyon-milyong Pilipino na kailangan ang serbisyo ng ABS-CBN lalong-lalo na sa panahon ng pinaka-matinding crisis sa Pilipinas at sa buong mundo, lalo na ngayon, sa pinaka malalang panahon ng sakit at gutom. Ipadama, isaad, at ipadinig po natin ang ating nararamdaman sa pagsasara ng ating ABS-CBN.

Sa oras na ito, kami naman po ang humihingi ng inyong pagdamay. Maraming salamat po, mga Kapamilya.

Watch videos related to Star Cinema here:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER