• Home
  • News
  • Angelica Panganiban reflects on the past decade as she welcomes 2020

Angelica Panganiban reflects on the past decade as she welcomes 2020

Angelica spent the New Year by herself and celebrated her independence!

Patricia Matalog
by
Patricia Matalog

1/3/2020 in News
Angelica Panganiban reflects on the past decade as she welcomes 2020

Angelica Panganiban is ready to take on 2020!

But before she welcomed 2020 with open arms, the actress reflected on the previous decade in a heartfelt Instagram post last December 31. Angelica summarized the past 10 years as “a rollercoaster ride.”

“Sa loob ng sampung taon, literal na rollercoaster ride. Nalaman kong adopted ako, nagtago ako ng ilang buwan sa pamilya ko dahil hindi ko alam paano sila haharapin. Nahihiya ako sa kanila. Nakilala ko ang mga kadugo ko, para lang siguro malagyan mo ng mukha ‘yung mga taong nasa imahinasyon mo lang,” she began.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

 

“Iniwan din kami ni Mommy Mila pagkatapos ng ilang taon. Kasabay ng taon na ‘yun, nagkaroon ng cancer si Mama. And we survived. Hindi nagtagal, si Papa naman ang namahinga.”

“Nawalan ng mga kapamilya, karelasyon, kaibigan.”

Angelica also recalled how she almost gave up because she was too tired and hurt to deal with things.

“May mga araw na hindi ko alam kung kakayanin ko pa bumangon. Nang literal. Ayoko nang tumayo. Ayoko na tumawa. Ayoko na. Pero ginawa akong matibay ng panahon at Panginoon,” she recalled.

“Sa kabila ng lahat ng nawala, nakasakit at nasaktan ko, hindi ka dapat doon magtapos. Hindi ka dapat tapusin ng sakit. Kasi ang sakit ang magpapatibay sa’yo. ‘Yun pala ang kailangan mo para makabangon.”

She continued, “Sa kabila ng lahat, takot pa rin ako magtiwala. Parte na siguro ‘yun ng napagdaanan. Sa kabila ng lahat, hindi ako sumuko magdasal. Dahil mas marami akong dapat ipagpasalamat. Naniniwala akong pinilit tanggalin ni Lord ang mga taong hindi mo na kailangan sa buhay mo. Dahil hinahanda ka niya sa mga tao na nararapat sa ano ka at kaya mong ibigay.”

Angelica also learned how to forgive and love herself.

“Sa sampung taon natuto akong magpatawad. Natuto akong ipagdasal pa rin sila. Magdasal na hindi mawala sa akin ang aspeto na ‘yun. At natuto akong bigyan ng atensyon ang sarili ko at ang mga tunay na nagmamahal sa’kin,” she said.

“Naniniwala akong mas magiging mainam ang mga darating na taon. Ika nga nila, kapag lugmok ka na, wala ka ng ibang pupuntahan kundi pataas.”

And as she moves forward to a new year and a new decade, Angelica only hopes for the best for herself and for everyone.

“Mabuhay ang mga taong patuloy na lumalaban, nagdadasal, at hindi sumusuko sa pag-ibig. The best is yet to come. 🎈”

“Salamat sa mga kaibigan at mga mahal sa buhay na patuloy akong pinipiling makasama sa buhay nila. Hindi ko kayo bibiguin. Cheers to 2020! ❤️✌️❤️” she ended.

Happy New Year, Angelica!

Angelica most recently topbilled the blockbuster friendship movie “Unbreakable” alongside Bea Alonzo and Richard Gutierrez.

Read related stories here:

IN PHOTOS: Anne Curtis and Erwan Heussaff’s baby shower!

IN PHOTOS: The 30 actresses who graced Metro magazine's 30th anniversary cover!

Bea Alonzo, sunod-sunod ang blessings ngayong 2019!

3 times the Salazar siblings proved their ‘unbreakable’ bond on Twitter

Judy Ann, all praise for Angelica and Bea in 'Unbreakable': 'Sila lang, sapat na’

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER