• Home
  • News
  • Buwan ng Wika: 10 Filipino quotes from Star Cinema films that will make you love our language more

Buwan ng Wika: 10 Filipino quotes from Star Cinema films that will make you love our language more

John Lloyd, Bea, Angel, Kathryn, Liza, Julia + more deliver the most touching Filipino lines!

Regina Tabora
by
Regina Tabora

8/15/2018 in News
0
Buwan ng Wika: 10 Filipino quotes from Star Cinema films that will make you love our language more

For some of us, the Filipino language is a casual language: we use it every single day to talk about the most mundane things, but we rarely use them to proclaim our deepest feelings, preferring instead to say them in English.

But that doesn’t mean it couldn’t be done - countless proclamations of love and hurt and loss have been made in Star Cinema movies, and there’s no perfect time than to list them this month, the Philippines’ official Buwan ng Wika.

Here are our picks of the most beautiful lines said on film, in no particular order:

1. John Lloyd Cruz in “One More Chance”

“Kung nakaya ko, kaya mo rin. Naaalala mo nung ako ‘yung nandiyan? ‘Di ba ikaw pa ang nagsabi sa’kin, baka kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin, kasi baka may bagong darating na mas okay, na mas mamahalin tayo, ‘yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin, ‘yung nag-iisang taong magtatama ng mali sa buhay natin.”

2. Claudine Barretto in “Milan”

“Noong minahal kita, isa lang ang ginusto ko para sa'yo, ang maging masaya ka para maging masaya tayo. At akala ko masaya tayo. Iniisip ko ngayon kung ginawa ko ang lahat ng gusto mo, maging masaya ka nga kaya? Maraming totoo sa sinabi mo, Lino (Piolo Pascual), pero hindi lang naman ikaw ang napagod dahil hindi lang naman ikaw ang nagbigay at nagmahal 'di ba? Hindi pala nabibigay ang kaligayahan. Hindi 'to nahahanap sa ibang tao o sa isang lugar, nasa sa'yo 'yun. Ikaw mismo ang makakahanap at makakapagbigay noon sa sarili mo… Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako o kailangan mo ako kaya mahal mo ako? Kasi 'yun rin ang tinatanong ko sa sarili ko ngayon eh.”

3. Angel Locsin in “In the Name of Love”

“Hanggang ngayon hindi mo pa rin ako napapatawad? I’m sorry… Dumating ako sa punto na hindi ko na kayang ibigay ‘yung sarili ko sa’yo, dahil sobra kitang mahal… Kailangan kong malaman kung sino ang pwede kong kausapin para makalaya ka… Ginawa akong kabit, okay lang, kaya kong tiisin ‘yun. Pero hindi lang siya ang gumamit sa katawan ko eh, pinagamit niya ako sa iba, paulit-ulit, paulit-ulit, hanggang hindi ko na matingnan ‘yung sarili ko sa salamin… Emman, hindi kita iniwan. Mas pinili ko lang mamatay para mabuhay ka.”

4. Bea Alonzo in “Four Sisters and a Wedding”

“Baka nga ambisyosa ako, baka nga importante sa’kin ‘yung career ko. Pero alam mo hindi ko lang ‘yun ginawa para sa sarili ko... Kaya kahit gustung-gusto ko nang umuwi kasi ang lungkot, ang hirap-hirap mag-isa, miss na miss ko kayong lahat, lahat ‘yun tiniis ko, nagpakatatag ako, nagpakatigas ako kasi kailangan ko. Pero hindi dahil matigas ako wala na akong pakiramdam, na hindi na ako nasasaktan. Nasasaktan din ako.”

5. Kathryn Bernardo in "Barcelona: A Love Untold"

"Kung nandiyan siya, nasaan ako? Anong lugar naming mga gustong magmahal sa'yo?"

6. Liza Soberano in “My Ex and Whys”

“Nasaktan? Kayong mga lalaki, akala niyo 'pag nambababae kayo, nasasaktan niyo lang kami. Makikipagchukchakan kayo tapos ine-expect niyo iiyak lang kami? Itutulog ang sakit tapos paggising okay na? 'Yun ang pangarap namin. Sana nga ganoon lang kadali 'yun kaso hindi. Walang tigil ang takbo ng utak namin, pinipilit sagutin ang maraming tanong. Bakit niya kaya nagawa 'yun...? May kulang ba sa akin? May mali ba sa akin? Pangit ba ako? Pangit ba ang katawan ko? Kapalit-palit ba ako?”

7. Julia Barretto in “Love You to the Stars and Back”

“Walang sigurado, pero siguro hindi na katulad dito [‘pag kinuha tayo ng aliens]. Wala ng lungkot, siguro wala ng sakit. Walang sigurado, pero minsan, kailangan mo lang maniwala.”

8. John Lloyd Cruz in “My Amnesia Girl”

“Sabi sa census, mahigit 11 milyon na tao sa Metro Manila. Sa dami ng tao na 'yun, paano mo kaya malalaman kung sino sa kanila ang para sa'yo? Paano kung nakasalubong mo na siya, kaya lang hindi mo pinansin? Dumaan na pala sa harap mo, nang yumuko ka para magsintas ng sapatos mo. Nakatabi mo na pala, kaya lang lumingon ka para tingnan ang traffic light. Baka andoon na siya, humarang lang 'yung pedicab. Sa dinami-dami ng tao, may masusuwerte na nakahanap na, may mga naghahanap pa, may iba sumuko na. Pero ang pinakamasaklap sa lahat, 'yung nasa'yo na, pinakawalan mo pa. Pero paano nga kaya kung isang beses lang dumarating ang para sa'yo? Palalampasin mo pa? Kahit nasa harap mo na?”

9. Carmi Martin in “No Other Woman”

“Anak, ito ang tandaan mo: kapag ang lalaki maya't maya nagpapalit ng babae, okay lang 'yun, walang problema doon, at least sa'yo pa umuuwi. Pero 'pag ang lalaki hindi na siya nagpalit at may suki na siyang kabit, doon lumaban ka na! Dahil ang mundo ay isang malaking Quiapo, maraming snatcher! Maagawan ka, lumaban ka! Kasi tingnan mo naman 'yang itsura mo. Panahon na para i-pack up mo 'yang Lucy Torres mo, ilabas mo na diyan si Gretchen Barretto!”

10. JM de Guzman in "That Thing Called Tadhana"

“Alam mo kasi 'yung pagmamahal na ganyan, 'yung love na pinapakita mo kung gaano ka-overwhelming, parang imposibleng walang puntahan. Mababalik at mababalik 'yan sa'yo. Sigurado ako, babalik sa'yo 'yun. Tulad nga nung sabi ni John Lloyd, kaya tayo iniiwan noong mga taong mahal natin kasi may paparating na bago na magmamahal sa atin at magpapa-realize sa atin kung bakit naging mali 'yung dati. Ipapa-realize din sa atin kung paano tayo mahalin. Masarap. 'Di ba?”

Check out more stories here:

#RelaxationDay: Daniel, Kathryn, Enrique, Liza + more, kanino ka samama para mag-chill?

Enrique, Gerald, Erich, Daniel + more: New generation action stars

Take it from Kathryn and Daniel’s films: 5 quotes to start your week!

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER