• Home
  • News
  • Nakakaiyak ang 'first' meeting nina Jackie and Kobe 😭

Nakakaiyak ang 'first' meeting nina Jackie and Kobe 😭

Prepare your tissue/hanky sa touching mother story ni Jackie with her sons Kobe and Andre.

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

7/5/2018 in News
Nakakaiyak ang 'first' meeting nina Jackie and Kobe 😭

Jackie Forster recently reconciled with her two sons with ex-husband Benjie Paras, Kobe and Andre, and even months later, she still has trouble putting into words just how she feels.

She shared with Momshies Karla Estrada and Melai Cantiveros today, July 5, on “Magandang Buhay” how her husband Michael Franken is very supportive of her reconnecting with her sons and relayed how he encouraged her to visit Kobe in the US.

 

 

A post shared by Jackie Forster (@jackie_forster) on

 

“Pinapupunta ko siya (Kobe) sa UK, [pero] hindi daw pwede kasi nga nagsu-school siya,” she shared. “Tinanong niya kaagad, ‘Ikaw, kailan ka pwedeng pumunta dito?’ Sabi ko, ‘Alam mo, kung ako ang tatanungin mo, sasakay [agad] ako ng eroplano papunta diyan. Pero ang totoo, marami akong responsibilidad sa bahay namin, so kailangan ko munang gawan ng paraan, kakausapin ko ‘yung asawa ko. Babalikan kita agad.’”

“Wala pang 48 hours, nakita ng asawa ko na hindi ako masyadong makatulog, hindi ako mapakali, hindi ako nakakakain dahil iniisip ko ‘yung paano ko siya mapupuntahan kaagad,” she continued. “Sabi niya sa ‘kin, ‘Alam mo, tumingin na ‘ko ng ticket mo. Sa ikalawang araw, aalis ka na. Ako na bahala sa mga bata. Ako na bahala, ‘wag mo nang isipin ‘yun.’ So wala pang three days mula nung mag-usap kami [ni Kobe], nasa eroplano na ‘ko.”

Sweet naman ni Peter. 💕

Jackie also recalled the moment she and Kobe first saw each other in the US.

 

 

A post shared by Jackie Forster (@jackie_forster) on

 

“Nagmaneho ako ng almost two hours [papunta] dun sa school niya. Nag-message siya ng, ‘Nakalabas na ‘ko, Ma. Anytime you’re ready, I’m ready.’ Nanginginig na ‘ko, ang lamig ng mga kamay ko. Nung palapit na ‘ko sa school niya, nakatayo siya dun. Gusto ko ngang itigil ‘yung car tapos tumakbo na nang palabas,” she said lightly.

She furthered, “Pag-park ko, lalabas sana ako ng kotse, pero sumakay siya. Before I could say anything, binigyan niya ako ng isang malaking yakap. Ang tagal-tagal, ‘yung parang ayaw kong bumitaw.” ❤

The mom of five then revealed that everything completely sunk in later that night when Kobe stayed with her at her hotel, saying, “Nung gabing ‘yun, tsaka ko lang naramdaman na, ‘Wow. Nangyayari na pala. This is real. This is so real. If pwede lang i-record lahat ng mga moments para balik-balikan ko.’ Hindi ko talaga siya ma-explain kundi napakasarap nung feeling.”

Jackie first opened up about reconciling with her sons back in April. She relayed how it was Kobe who first reached out to her, then followed Andre.

 

 

A post shared by Jackie Forster (@jackie_forster) on

 

See related article: 'Prayers work:' Jackie, muling nakapiling sina Kobe at Andre

On “Magandang Buhay,” Jackie shared more details about how Kobe reached out to her, how he asked for her number through a third party, and how she felt while she waited for his call.

“It was the longest ten minutes of my life,” she said. “Kasi hindi ko alam [kung] bukas ba tatawag o mamaya, paano kung wala akong signal, o magbago ‘yung isip niya. Gusto ko maging masaya pero iniisip ko, ‘Ano kaya ‘yung sasabihin niya sa ‘kin? Oh my god, baka galit siya, baka may pinagdadaanan, o baka may nanloloko lang sa ‘kin.’”

Thankfully, Kobe called her right away after receiving her number and even called her “Ma.”

“‘Yung tawagin ka lang ng ‘Ma’ - ang weird na iniiyakan ko ‘yun,” she said through her tears. “But it’s just the fact na ina-acknowledge niya ‘ko tapos kalmado ‘yung bosses niya. Alam mo ‘yung feeling na when you just gave birth, na first time mong makita ‘yung anak mo? Ganun ‘yung feeling, sobrang sarap lang.”

So touched by Jackie’s story, Momshies Karla and Melai were brought to tears. 😢

Jackie is currently in Manila with her husband and kids - Jared, Caleigh, and Yohan - to visit Kobe and Andre. She revealed on the show that Jared was the most excited to meet his two older half-brothers, and that he and Caleigh are very excited to spend time with their Kuya Andre now that they’ve had time to bond with their Kuya Kobe.

 

 

A post shared by Jackie Forster (@jackie_forster) on

 

For more stories, check these out!

Kobe Paras, umalma sa 'fake news' tungkol sa kanila ng parents niya

HOT ISSUE: Who's that girl beside Kobe Paras?

THOUGHT PICKS: Jackie Forster presents her greatest miracle

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER