• Home
  • News
  • Ate Girl Jackque, pinupush na makasama sa ‘Fantastica!’

Ate Girl Jackque, pinupush na makasama sa ‘Fantastica!’

Vice, plano na bang maging manager ni Ate Girl Jackque?

Cheska Espina
by
Cheska Espina

7/21/2018 in News
Ate Girl Jackque, pinupush na makasama sa ‘Fantastica!’

A week after the big and star-studded revelation of the stellar cast of "Fantastica: The Princesses, The Prince, and The Perya" which includes Bela Padilla, the fans of "It's Showtime's" love triangle Bela-Vice Ganda-Ate Girl were hopeful that Jackque Gonzaga will also join the much-awaited film.

"Pwede naman," Vice said at the press huddle after the storycon. 

"Actually naisip narin ng management 'yon. Pero hindi ko pa alam kung anong na-finalize nila pero pwede, why not," he added.

Being the reason behind Ate Girl's instant fame (all thanks to their viral exchange of "hugots"), Vice is feeling nothing but genuinely happy and proud of Jackque's blessings.

"I am just so happy for her, for everything that's been happening sa buhay niya, 'yung mga blessing na natatanggap niya, 'yung mga positibong pagbabago sa buhay niya, ng pamilya niya, I am just so happy na nakikita.

"Kasi lahat naman tayo... Everyone deserves our own shining moment 'di ba? Naibigay sa akin 'yon, naipahiram din sa akin, so hindi naman masamang i-share 'yun sa ibang tao. 

"Kumbaga kung liliwanag ang karera niya, hindi naman lalabo 'yung akin, pwede ko namang i-share 'yung liwanag ko sa iba para lahat tayo maliwanag," Vice explained.

Vice also has advice for Ate Girl.

"Sana hayaan niyang i-guide ko pa siya, kasi bago pa siya eh. Marami siyang hindi nauunawaan, sa dami minsan ng mga blessings, naguguluhan siya, lagi siyang nagtatanong sa akin, 'yung mga decision niya sa career, tinatanong niya lagi sa akin, itinatawag niya itinitext niya sa akin. Nagpapasalamat ako doon. Sana hayaan niya pang i-guide ko siya kasi ayoko mamali siya," the Phenomenal Box-Office Star said.

Vice reiterated in the end that he's not planning to manage Ate Girl.

"Sabi ko sakanya 'Tutulungan lang kita pero ayoko nung mga pirma-pirma sa kontrata at 'yung mga komisyon.' Sabi ko 'ayoko ng mga pera-pera. Hindi ako kaka-cut.' 

"Pero ina-advice ko siya, sinasabi ko 'wag mo nang kunin 'yan, hindi naman makakatulong sa brand mo, at hindi bagay sayo.' Sinasabi ko wag mo nang kunin kasi hindi lahat pwede ding kunin e, kasi hindi lahat makakabuti sayo," Vice related.

Vice doesn't see himself managing anyone because, "Iba 'yung responsibility nung totoong manager kaysa dun sa resposibilidad ng isang kaibigang tumutulong lang. Parang mas gusto ko na 'yung walang bayaran, walang pera."

"Fantastica," directed by Barry Gonzalez, will be out in cinemas this coming Christmas!

Meanwhile, read more stories about Vice here:

Ate Girl Jackque, binansagang 'Nancy' ng Pilipinas dahil sa viral dance cover!

Ate Girl Jackque, nagsalita na sa love triangle niya with Vice, Bela

Vice Ganda, nilason ni Ate Girl!

Vice, may nakakakilig na assurance kay Ate Girl Jackque!

Ate Girl, tuluyan na nga bang na-fall kay Vice?

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER