• Home
  • News
  • TRANSCRIPT: Kris Aquino challenges Mocha Uson to a 'face-to-face'

TRANSCRIPT: Kris Aquino challenges Mocha Uson to a 'face-to-face'

"Magtutuos tayo." Here's everything that Kris Aquino said in her latest tirade against Mocha Uson.

Chandral Selim
by
Chandral Selim

6/6/2018 in News
TRANSCRIPT: Kris Aquino challenges Mocha Uson to a 'face-to-face'

You simply do not mess with the Kris Aquino. 

The Queen of All Media went live on her Facebook and Instagram last night, June 5, while on vacation with her sons Josh and Bimby in Japan to once again take a swipe at Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson. 

The 17-minute video follows Kris’ sharp social media statements against the blogger/government official's Facebook post equating President Rodrigo Duterte’s kissing controversy during his South Korea state visit with that of her father, former Senator and national hero Ninoy Aquino, being kissed by two women just before his 1983 assassination. 

Read the transcript here: 

'Yung pinagdaanan ko, pinag-isipan ko talaga. Pinag-isipan ko bago ako mag-upload. Higante naman 'yung binangga ko, at inaamin ko 'yun. Pero ang naramdaman ko talaga was Mom ko 'yun, Dad ko 'yun at winawalang-hiya na masyado ang alaala nila.

So, this was just Kris as a daughter, this was Kris reacting, and Kris opening up her heart to all of you. I cried, I really, really cried and I am stopping myself from crying now because turo ng Mom is to never show them that they hurt you. But yes, I was hurt because na-relive eh. Sorry, 'yung timing kasi nito, ‘yung timing noong post was Kuya's birthday and naalala ko lahat ng kasalanan ko sa Mom ko, and lahat ng pinatawad ng Mom ko, lahat ng kabutihan na ginawa ng Mom ko para sa akin. At lahat ng kabuuang ako, it’s because of who my mother was.

And if there is one thing I got from my Dad, it's courage. It's courage to be able to speak up for those who cannot speak. It's courage to be able to speak your truth and say what you want to say but still be respectful, and to not be afraid to go against giants. 


Ito direcho po, siguro may karapatan ako kasi ni minsan hindi ko binastos, wala akong masamang nasabi, sa administrasyong Duterte. In fact, na-bash po ako ng mga dilawan noong nag-post ako ng picture namin at noong nagsabi ako na alam ko kung bakit siya nanalo. Hanggang ngayon hindi ako nakikisawsaw sa politika. Pero 'yung ginawa po, at pinapangalanan ko siya ngayon, ang tagal ko siyang tiniis na 'wag siyang pangalanan but now pinapangalanan ko si Asec. Mocha Uson, na sobra ka na eh. 

'Yung ginawa mo, ang mga sinaktan mo, mahal na mahal ko. At ganito nalang, kasi diretsahan na, babae sa babae, gusto mo ng kaaway? Ako, I'm ready. Anytime, anywhere, harapan. 

Gusto magdebate? Keri. Gusto mong gawin natin ng eksena [sa "Four Sisters and a Wedding"] with [you and] Angel Locsin? Gusto mong gawin natin 'yung eksenang 'yun? You want na ako ikaw? At ikaw si Angel? Gawin natin para matigil ka nalang. Kasi what you are doing to my parents, they do not deserve.

And people will tell me “why are you stooping down to her level?” I'm doing this because I love my Mom, I love my Dad and if I don't do this now I will hate myself. And if I don't do this now I won't be the mother I want to be. Ginagawa ko 'to because I want my sons to see what I am willing to do for my Mom and my Dad, because when I am no longer here, gustung-gusto ko na si Bimb [at si Josh] ipagtanggol ako. Kasi hindi perpekto ang buhay ko, inunahan ko po kayo lahat. 

Open book ang buhay ko, nasa post ko, alam ko kung ano 'yung pinagdaanan ko, alam ko 'yung nakaraan ko pero alam ko rin na meron tayong mapagpatawad na Diyos at alam ko kung ano na ako ngayon. At 'yun ang importante, what you make of yourself because of those mistakes. If I allow those mistakes, and those lies about my parents to continue, I am not worthy to carry their name.


So I just want to say, I am ready for you and this is a direct challenge to you. Face me. Face me anywhere. Name the place. Name the location. Let's carry it live, bring all your followers, I can stand alone. But stop it. 


Stop doing this to two people who have never hurt you. Hindi ka nila binastos, dahil patay na sila. Hindi ka rin binastos ng kapatid ko (former President Noynoy Aquino), pero labas siya sa usapan na 'to, buhay siya, kaya niya ipagtanggol ang sarili niya. Pero hindi kaya ng Nanay at Tatay ko. Pero ako buhay na buhay.


Balahura din ako, ganyan eh, ganyan ang labanan. Kailangan ka talagang lumaban, I'm sorry na ganito ang nangyari sa bayan natin na in order for you to be heard, you have to speak this language. In order for people to listen to you, you have to shove the truth in their faces. 

But the truth is: Yes, my Father is a hero. 

Yes, my Father died for this country. 

Pinaslang ang tatay ko at 'yung dalawang babae 'yun, nahalikan siya bago siya bumaba at bago siya na-assassinate. Hindi mo alam 'yung sakit na pinaramdam mo doon sa post na 'yun kasi naisip ko, sana nabigay 'yung karapatan na 'yun sa Mom ko. My Mom deserved that. Because my Mom gave her entire life to my Dad.

I will get a scolding from my Mom if I cry now, that's why I'm fighting the tears. My Mom will say, Krissy, this is the time that you do not cry. So I am doing everything in my power not to cry. But I am giving you fair warning. Isa pa. Isa pa na bastusin at babuyin mo ang tatay o ang nanay ko, magtutuos tayo.

Kaya ko eh. Dahil lahat na siguro ng pinakamasakit, lahat na ng basura na pwede itapon, natapon na sakin. Pero kinaya ko at wala akong tinago. Alam ng buong Pilipinas ang kwento ng buhay ko. Wala akong posisyon na hinahanap. I'm not running for office. I do not seek elective office. I am not scoring brownie points for this. In fact, by doing this now there will be businesses that might back out of contracts. 

But I just had to do this because one, [I want to say] thank you to those who believe. Thank you to those who still love my Mom, thank you to those who respect what my Dad has given our country. 

Tinatanggal ko po 'yung Kris Aquino na naging celebrity, 'Yung Kris Aquino na number one influencer sa Philippines ngayon, hindi 'yan mahalaga eh. Anak ako. Anak ako at nanay ako. And I just want all of you to know, I have been reading your comments, I have been reading the words of support. 


This is really not about me. This is about the legacy of two people I really love. This is about Ninoy Aquino and Cory Aquino and this is about a woman who never knew them but who continues...na hindi tumitigil na bastusin ang pangalan ng mga magulang ko. Tama na. Girl, ako nalang. Kayang-kaya ko. Anytime, anywhere, say what you want about me. Say the harshest words you want, I can take it, but spare my parents. 


Hindi nila deserve ang kabastusan mo dahil binigay nila ang buhay nila para sa mga Pilipino.

Naiintindihan ko na kailangan mong suportahan at depensahan ang boss mo, pero sa paggawa ba noon, kailangan mong apak-apakan ang mga taong hindi naman sinasaktan ang boss mo? Kailangan ba talaga na idamay mo 'yung patay na?

It just hurts so much because they gave so much.

To all of you, again, thank you so much from a daughter. A daughter who is saying that she's had enough, a daughter who is saying stop hurting people who never hurt you, stop hurting people who cannot fight back for themselves. As I said, I will end this by saying, kung gusto mo ng kalaban, kung gusto mo ng punching bag, kung gusto mo ng taong sasampal-sampalin, ng taong sasabunutan, nandito ako. I'm ready. 

I'm ready for you, I don't know if you're ready for me.

This is not about being Yellow, this is not about anything else but love for my Mom, love for my Dad, and love for our country. Wag nating kalimutan 'yun. Mahalin natin ang bayan natin, mahalin natin ang demokrasya natin. Let's love what we have, let's love our freedom and let's have respect for each other.

Before I was anything else, I was Ninoy's daughter and I will always be Cory's daughter. 

Hindi po ako pinalaki para mambastos pero 'pag binabastos na ang mga magulang ko, kaya ko talaga. Wala akong uurungan, at hindi kita uurungan. 

God bless our country, God bless us, God bless us with peace. God bless us with leaders we deserve, and the courage to speak up about the people we love. 

Read more related stories here:

#GalanteGoals: Kris, nagbigay ng mamahaling kuwintas kay Yaya Bincai!

Joshua at Julia, magkaribal sa ‘I Love You Hater’!

#StarCinemaVOTD: Kim Chiu and JoshLia!

Kris, pinaalalahanan si Joshua to be a good boy?!

'Four years ago...' Kris, idinetalye ang 'history' nila ni Herbert

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER