• Home
  • News
  • 'Walwal' stars, posibleng magka-in love-an?!

'Walwal' stars, posibleng magka-in love-an?!

Nagkakatotohanan na nga ba ang mga love teams sa "Walwal?"

Cheska Espina
by
Cheska Espina

6/21/2018 in News
'Walwal' stars, posibleng magka-in love-an?!

Last Tuesday, June 19, "Walwal" leads Elmo Magalona, Kiko Estrada, Donny Pangilinan, Jerome Ponce, Devon Seron, Sophia Senoron, and Kisses Delavin got asked during their film's second Bloggers Conference about the possibility of falling for their co-stars.

They were quick to bargain if they could choose from the film's characters and these are what they had to say!

1. DEVON

"May iba-iba silang katangian na magugustuhan ng babae. Sa'kin kasi mas more na nakasama ko character ni Marco (Kiko's character), nakilala ko siya nang mabuti talaga. 'Yung mafo-fall ako siguro 'yung katangian ni Marco na hindi niya pinapakita sa iba. Sobrang iba siya na minsan natitingnan na siya na 'F boy' siya pero sa totoong buhay niya as Marco, sobrang cowboy siya, hindi siya maarte, pinapakita niya kung ano talaga siya, 'yung hindi siya nahihiya na pumupunta siya sa carinderia, pinapakilala niya 'yung sarili niya sa isang babae talaga. Maalaga siya, Hinahanap ng babae 'yun."

2. SOPHIA

"Maybe si Dondi (Elmo's character) kasi nakaka-relate ako sa character niya in a way na gusto ko rin maging lawyer. Syempre you want to find yourself in a significant other.

3. KISSES

"Ang pinakamalapit na makaka-in love-an ko sa boys ay I think wala pa. 21 'yung age nila, eh tingin ko mai-in love ako sa age na mga 24 na, 'pag malaki na kami. Lahat kasi sila may katangian na magaganda kaya mahirap pumili. Masasagot natin 'yan 'pag tapos na 'yung pelikula."

4. KIKO

"I fall in love with a strong and independent woman. I believe a guy needs a strong foundation in their relationship. I believe Trina (Devon's character) exudes that aspect or attribute sa movie. Devon really showed that side. It's Trina. No questions asked."

5. ELMO 

"Parehas rin sa sinabi ni Kisses na lahat sila may distinct qualities na mapapa-fall ka talaga. Pero 'yung character siguro ni Jane (De Leon) kasi maalaga. Hahanapin mo rin sa isang relationship 'yung maalaga and 'yung character niya very maalaga."

6. DONNY

"Nakasama ko si Ruby (Kisses' character). 'Yung aspect na wala siyang paki sa mga tao na nagsasabi na weird siya, na hindi ka katulad ng iba. Syempre hindi ako mai-in love sa wig but the inside, that's what truly counts. The things people don't see."

7. JEROME

"Nabasa ko 'yung buong script so siguro sa pinakamalapit doon ako sa character ni Trina (Devon's character) kasi independent woman siya. Gusto ko 'yung independent woman na madiskarte."

Ikaw, sa tingin mo kanino ka posibleng ma-in love sa kanila o sa characters nila? Comment below! :)

Read more "Walwal" stories here:

Usapang life, love, and 'Walwal' with Elmo, Jerome, Donny, Kisses + more 

DonKiss and DevKi kilig moments + more at 'Walwal' mall show! 

Donny, Kisses, Elmo + more, nag-WALWAL-an sa Bulacan! 

'Walwal' nga ba ang sagot sa mga problema ng buhay? 

'Walwal' squad spreads love and warmth on a rainy Sunday 

"Walwal," directed by Jose Javier Reyes, will be out in cinemas starting June 27!

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER