• Home
  • News
  • #AngLiksiNgBagani Recap: Tulong!

#AngLiksiNgBagani Recap: Tulong!

Kailangan ni Ganda (Liza) si Makiling (Maricar)! #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

5/9/2018 in News
#AngLiksiNgBagani Recap: Tulong!

Hindi na kayang tiisin ni Ganda (Liza Soberano) ang kanyang pagkabilanggo.

Kagabi (Mayo 8) sa “Bagani,” humingi ang TagaPatag ng tulong mula kay Malaya (Kristine Hermosa) para makatakas sila sa Dako Paroon. Binalaan ng diyosa ang dalaga na hindi sila basta-basta makakaalis dahil mahigpit ang panginoon at tagapagbantay na si Gaki, pero hindi nawalan ng pag-asa si Ganda.

Sinubukang tawagan ni Ganda ang makapangyarihang nilalang na si Makiling (Maricar Reyes) para hingin ang kanyang tulong, pero hindi na niya nararamdaman ang kapangyarihan nito.

Sa Sansinukob, naririnig ni Makilig ang sigaw ng kanyang bagani pero hindi niya ito mahanap.

Samantala, ipinakita ni Sarimaw (Ryan Eigenmann) ang malubhang sugat mula sa laban nila ni Ganda sa mansisilat (Sunshine Garcia). Sinabi ng mansisilat na kailangan nang malunas ni Sarimaw ang kanyang sugat bago pa siya tuluyang maging isang ordinaryong mortal.

Maliligtas ba ni Makiling si Ganda?

Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”! 

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER