• Home
  • News
  • #BagongBagani Recap: Liksi, nagbagong-anyo!

#BagongBagani Recap: Liksi, nagbagong-anyo!

Isang ganap na #Bagani na si Liksi (Zaijian)!

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

5/8/2018 in News
#BagongBagani Recap: Liksi, nagbagong-anyo!
Nailabas na ni Liksi (Zaijian Jaranilla) ang buong kapangyarihan ng Kataw (Ahron Villena) kagabi (Mayo 7) sa “Bagani”!
 
Nagsanay muli sina ni Lakas (Enrique Gil) at Liksi. Ginawa ng mandirigma ang lahat para magising ang kapangyarihan ng batang mangangalakal. Bumabangon at bumangon si Liksi tuwing bumabagsak siya at ang determinasyon niyang lumaban para sa kanyang pamilya ang naging susi sa buong kapangyarihan ng Kataw.
 
 
Samantala, mabigat ang loob ni Marikit (Charlie Dizon) sa kanyang misyon, pero tinangka pa rin niya itong tuparin para kay Matadora (Aiko Melendez). Hinarap niya si Lakas at sinabing kailangan niya itong patayin.
 
 
Sa halip na matakot, may tiwala si Lakas na hindi siya mapapatay ng tulisan. Inutusan ng mandirigma na bumalik si Marikit sa isla at sabihin kay Matadora na may bago siyang kasunduan para sa kanya.
 
Ngayong isang ganap na bagani na si Liksi, susugurin na ba nila si Sarimaw (Ryan Eigenmann)?
 
Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER