• Home
  • News
  • #BaganiLakasAtLiksi Recap: Pagsasanay ni Liksi

#BaganiLakasAtLiksi Recap: Pagsasanay ni Liksi

Gagawin ni Liksi (Zaijian) ang lahat para sa kanyang pamilya #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

5/7/2018 in News
#BaganiLakasAtLiksi Recap: Pagsasanay ni Liksi
Sinimulan na ni Lakas (Enrique Gil) ang pagsasanay kay Liksi (Zaijian Jaranilla) para siya ay maging isang ganap na “Bagani” noong nakaraang Biyernes (Mayo 4).
 
Paulit-ulit na inatake ng mandirigma ang batang mangangalakal at paulit-ulit lamang ginamit ni Liksi ang kalasag ng Kataw (Ahron Villena) para ipagtanggol ang sarili niya. Hinamon ni Lakas na lumaban ang bata at ginawa naman ito ni Liksi.
 
 
 
Buong araw sila nagsanay. Nung pagod na pagod na si Liksi pero patuloy pa ring tumatayo para magsanay ay biglang nagliwanag ang kanyang buong katawan at ang kalasag ni Kataw bago siya natumba at nawalan ng malay sa pagod.
 
Samantala, ngayong alam na ng kampo ni Sarimaw (Ryan Eigenmann) na bagani na rin si Liksi, inutusan ng makapangyarihang nilalang ang kanyang alagad na hukluban (Minco Fabregas) para gawin ang lahat upang mapasakanila ang bagong bagani.
 
Inimbita ng hukluban ang pamilya ni Liksi sa palasyo at pinalaya na sila bilang alipin. Sinabi niya na gustong makipagkaibigan ni Sarimaw sa kanilang pamilya, lalung-lalo na dahil isang bagani na si Liksi. Pinapauwi ng hukluban kina Malong ang batang mangangalakal para sumali sa kampo ni Sarimaw.
 
 
Ano ang gagawin ng pamilya ni Liksi?
 
Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER