• Home
  • News
  • #BaganiSaDakoParoon Recap: Ang kwento ng walang hanggan

#BaganiSaDakoParoon Recap: Ang kwento ng walang hanggan

Mapapaisip si Lakas (Enrique) sa kwento ni Marikit (Charlie) #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

5/4/2018 in News
#BaganiSaDakoParoon Recap: Ang kwento ng walang hanggan
Mas nakilala nina Lakas (Enrique Gil) at Marikit (Charlie Dizon) ang isa’t isa kagabi (Mayo 3) sa “Bagani.”
 
Pinasakay ng mandirigma ang tulisan sa likod ni Minokawa at nilibot nila ang Sansinukob para mapakita ni Lakas kay Marikit kung bakit patuloy pa rin siyang lumaban.
 
Ikinuwento naman ni Marikit sa kanya na ipinangalan siya sa isang manunulat na nagsulat ng kwentong walang hanggan. Ibinahagi niya na ito ay tungkol sa isang magiting na mandirigma na nawalan din ng minamahal, pero hindi siya pumayag na mawalay dito. Gumamit ng itim na mahika ang mandirigma para buksan ang lagusan ng mundo ng kamatayan at hinanap niya ang kanyang minamahal para ibalik sa mundo ng nabubuhay.
 
 
Samantala sa bayan ng mga mangangalakal, binigyan ni Sarimaw (Ryan Eigenmann) ng misyon si Lakam (Matteo Guidicelli): hanapin ang natitirang bagani at kumbinsihin siyang pumanig sa kanila.
 
 
Mahahanap ba ni Lakam ang huling bagani?
 
Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER