• Home
  • News
  • #MasamangBalakSaBagani Recap: Ang paglaya sa TagaDisyerto

#MasamangBalakSaBagani Recap: Ang paglaya sa TagaDisyerto

Magbubuo ng hukbo si Lakas (Enrique) para sa Sansinukob! #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

5/3/2018 in News
#MasamangBalakSaBagani Recap: Ang paglaya sa TagaDisyerto
Walang tigil ang pagkilos ng pangkat ni Lakas (Enrique Gil) laban kay Sarimaw (Ryan Eigenmann).
 
Agad na nagpulong ang mga pinuno ng iba’t ibang rehiyon kasama ang mga bagani at pinlano na ang kanilang susunod na hakbang. Habang hindi pa nila nahahanap ang ikalimang bagani, sinimulan na ni Lakas ang kanyang planong bawiin ang mga rehiyon mula sa makapangyarihang nilalang gamit si Dakim (Christian Vasquez). 
 
Sinalakay ng mga Taong Lobo ang bayan ng TagaDisyerto upang mapalaya ang mga mandirigmang binihag ng bungisngis at sila ay nagtagumpay.

 
Sinabi naman ni Lakas kay Liksi (Zaijian Jaranilla) na siya ang lalapit sa Datu (Enzo Pineda) ng mga TagaLaot pagkatapos ng kanilang pagsasanay para kumbinsihin silang lumaban kasama nila.
 

 
Mapapalaya din kaya nila ang ibang rehiyon sa Sansinukob?
 
Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER