• Home
  • News
  • #BaganiAngDaan Recap: Tumakas si Lakam!

#BaganiAngDaan Recap: Tumakas si Lakam!

Nakatakas na si Lakam (Matteo) mula kay Sarimaw (Ryan)! #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

5/24/2018 in News
#BaganiAngDaan Recap: Tumakas si Lakam!

Sa kabila ng pagmamaliit ni Ama (Robert Sena) kay Lakam (Matteo Guidicelli), mahal pa rin niya ang kanyang anak at pinatunayan niya ito kagabi (Mayo 23) sa “Bagani” nang tulungan niyang makatakas ang binata mula sa bilangguan.

Gusto ni Lakam na sumama ang kanyang ama sa kanilang pagtakas pero tinanggihan ito ni Ama. Siya pa rin daw ang pinuno ng mga mangangalakal at hindi niya iiwan ang kanyang mga mamamayan. At kung matuklasan ni Sarimaw (Ryan Eigenmann) ang ginawa niya, malugod daw niyang tatanggapin ang kamatayan para makasama muli ang namayapa niyang asawa at anak.

Agad na pumunta si Lakam sa kanyang kwarto para kunin ang anting-anting na binigay sa kanya ni babaylan Gloria (Dimples Romana) para madali siyang makakatakas mula kay Sarimaw. Naabutan siya ng makapangyarihang nilalang at natamaan ng punyal sa dibdib bago siya dalhin ng lagusan sa bayan ng TagaPatag.

Samantala sa mundo ng magindara, nanalo si Lakas (Enrique Gil) sa tunggaliang bugtungan nila ng reyna ng magindara. At bilang pagsunod sa kanilang kasunduan, sinabi ni Gandara (MJ Lastimosa) ang daan patungo sa Dako Paroon - ito ay nasa dulo ng bahaghari.

Maaabutan ba ni Lakas ang dulo ng bahaghari bago ito maglaho?

Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     

Here are more “Bagani” recaps!
#BaganiPaghahanda Recap: Maharlikang tulisan?

#BaganiTinigNgKatotohanan Recap: Ang reyna ng magindara

#BaganiTaksil Recap: Buking na si Lakam!

For “Bagani” photos:
Ang mga 'Bagani,' ipinagpasalamat ang tagumpay!

Aiko Melendez at iba pang artista, ipinakilala bilang mga bagong makakasama sa 'Bagani'

 

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER