• Home
  • News
  • #BaganiPaghahanda Recap: Maharlikang tulisan?

#BaganiPaghahanda Recap: Maharlikang tulisan?

Naghahanda na ang hukbo ng mga #Bagani para sa nalalapit na digmaan!

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

5/23/2018 in News
#BaganiPaghahanda Recap: Maharlikang tulisan?

Patuloy ang paghahanda ng pangkat ng mga “Bagani” para sa nalalapit na digmaan laban kay Sarimaw (Ryan Eigenmann) kagabi (Mayo 22).

Habang nagdiriwang ang kanilang mga mamamayan, hindi mapakali si Dilag (Precious Lara Quigaman) sa misyon ni Lakas (Enrique Gil) na hanapin ang bagong bagani. At sa pagtatanong din ni Lila (Ana Abad Santos) kung nasaan ang kanyang anak, napilitan si babaylan Gloria (Dimples Romana) na sabihin ang totoo - na buhay pa si Ganda (Liza Soberano) at hinahanap siya ng binata.

Samantala sa bayan ng mga mangangalakal, pinakiusapan ni Marikit (Charlie Dizon) si Matadora (Aiko Melendez) na umuwi na silang mga tulisan sa kanilang isla at mabuhay nang mapayapa, pero hindi nakinig ang kanyang ate. Ibinunyag ni Matadora sa kanyang kapatid na ang kanilang ina na si Halina ang nararapat na pinuno ng TagaPatag, na maharlika ang dugong nananalaytay sa kanilang katawan, at hindi siya titigil hangga’t mabawi niya ang karangyaang ninakaw mula sa kanila.

At sa mundo ng mga magindara, hinamon ni Gandara (MJ Lastimosa) si Lakas sa isang tunggalian. Para makuha ng mandirigma ang impormasyong kailangan niya tungkol sa Dako Paroon, kailangan niyang talunin ang reyna ng magindara.

Magtatagumpay ba si Lakas?

Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     

Here are more “Bagani” recaps!
#BaganiTinigNgKatotohanan Recap: Ang reyna ng magindara

#BaganiTaksil Recap: Buking na si Lakam!

#BaganiKomplikadongMisyon Recap: May taksil?

For “Bagani” photos:
Ang mga 'Bagani,' ipinagpasalamat ang tagumpay!

Aiko Melendez at iba pang artista, ipinakilala bilang mga bagong makakasama sa 'Bagani'.

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER