• Home
  • News
  • #BaganiTinigNgKatotohanan Recap: Ang reyna ng magindara

#BaganiTinigNgKatotohanan Recap: Ang reyna ng magindara

Nakaharap ni Lakas (Enrique) si Reyna Gandara (MJ) #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

5/22/2018 in News
#BaganiTinigNgKatotohanan Recap: Ang reyna ng magindara

Habang nasa bayan ng mga mangingisda, nakatagpo ni Lakas (Enrique Gil) ang mga magindara kagabi (Mayo 21) sa “Bagani.”
 
Nang malaman ng mandirigma na may alam sila tungkol sa mundo ng Dako Paroon, hiningi ni Lakas ang tulong nila para mahanap si Ganda (Liza Soberano). Napagdesisyunan ng mga magindara na dadalhin nila ang TagaDisyerto sa kanilang reyna para siya ang magpapasya kung tutulungan nila si Lakas.
 
Dinala nila ang binata sa kanilang mundo, pero sa kanilang pagdating ay inatake si Lakas ng kakaibang nilalang. Sinunod ni Lakas ang payo ng mga magindara na kantahan ang nilalang para ito ay huminahon. Sa paglaya ni Lakas mula sa galamay ng nilalang, nag-ibang anyo ito at nagpakilala bilang Gandara (MJ Lamistosa), reyna ng mga magindara.
 

 

 
Samantala sa bayan ng TagaKalakal, ikinulong ni Sarimaw (Ryan Eigenmann) si Lakam (Matteo Guidicelli). Ibinunyag ng makapangyarihang nilalang sa binata na hindi niya ito pinapatay dahil nakatakas si Bernardo Carpio (Benjie Paras) sa gitna ng kanilang laban at ayaw niyang maghanap ito ng bagong bagani.
 

 
Mahahanap na ba ni Lakas ang Dako Paroon?
 
Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     
 
Here are more “Bagani” recaps!
#BaganiTaksil Recap: Buking na si Lakam!

#BaganiKomplikadongMisyon Recap: May taksil? 

#BaganiDagundong Recap: Saklolo!
 
For “Bagani” photos:
Ang mga 'Bagani,' ipinagpasalamat ang tagumpay!
 
Aiko Melendez at iba pang artista, ipinakilala bilang mga bagong makakasama sa 'Bagani'

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER