• Home
  • News
  • #BaganiTaksil Recap: Buking na si Lakam!

#BaganiTaksil Recap: Buking na si Lakam!

Kilala na ni Sarimaw (Ryan) ang traydor sa kanyang hukbo! #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

5/21/2018 in News
#BaganiTaksil Recap: Buking na si Lakam!

Hinarap ni Matadora (Aiko Melendez) ang pinunong Ama (Robert Sena) ng mga mangangalakal kay Sarimaw bilang traydor sa kanyang pamumuno noong nakaraang Biyernes (Mayo 18) sa “Bagani”.

Agad na tinanggi ni Ama ang paratang laban sa kanya, pero nung tinanong siya ng makapangyarihang nilalang kung sino ang tunay na taksil, pinili ni Ama na protektahan ang sikreto ng kanyang anak na si Lakam (Matteo Guidicelli) - bagay na labis na ikinagulat ng binata.

Para iligtas ang kanyang ama, inamin ni Lakam na siya ang tunay na traydor, na matagal na niyang binibigyan ng impormasyon ang pangkat ng mga bagani at tinulungan din niyang mapalaya sina Kataw (Ahron Villena) at Makiling (Maricar Reyes).  


Si Sarimaw na mismo ang humarap kay Lakam para ipatupad ang parusa ng kamatayan sa kanyang pagtaksil.

Samantala sa bayan ng mga magsasaka, nagtipon na ang mga kawal ng TagaDisyerto, TagaGubat, at TagaLaot para protektahan ang TagaPatag mula sa nalalapit na pagsalakay ng hukbo ni Sarimaw.

Ano ang mangyayari kay Lakam?

Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     

Here are more “Bagani” recaps!
#BaganiKomplikadongMisyon Recap: May taksil?

#BaganiDagundong Recap: Saklolo!

#KoneksyonNgBagani Recap: Buhay na buhay ang pagmamahal!

For “Bagani” photos:
Ang mga 'Bagani,' ipinagpasalamat ang tagumpay!

Aiko Melendez at iba pang artista, ipinakilala bilang mga bagong makakasama sa 'Bagani'

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER