• Home
  • News
  • #BaganiBawi Recap: Bagong kakampi?

#BaganiBawi Recap: Bagong kakampi?

Hindi nagawang talikuran ni Laki (Mark) ang kanyang kaibigan #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

5/2/2018 in News
#BaganiBawi Recap: Bagong kakampi?

Nagharap na sina Sarimaw (Ryan Eigenmann) at Lakas (Enrique Gil) kagabi (Mayo 1) sa “Bagani”!

Dumating sina Lakas, Dumakulem (Makisig Morales), at Babaylan Gloria (Dimples Romana) bago tuluyang mapatay ni Sarimaw ang bagong bagani na si Liksi (Zaijian Jaranilla). Pinrotektahan nila ang kanilang mga kakampi at tinulungang makatakas mula sa makapangyarihang nilalang.

Habang naghahanap ng ligtas na pagtataguan sina Liksi at Gloria, hinarap muli nina Lakas, Dumakulem, at Kidlat (Rayver Cruz) si Sarimaw. Nang kalabanin ng panginoon ang mandirigma, dumating si tulisang Laki (Mark Andaya) at sinugod ang mga kawal ni Sarimaw. Sinaksak niya sa likod ang makapangyarihang nilalang at binigyan si Lakas ng pagkakataong lumaban muli.

Natamaan ni Lakas si Sarimaw gamit ang espada ni Minokawa, pero agad na tumakas ang panginoon.

Dahil sa tulong na binigay ni Laki sa kanilang laban, inimbitahan ni Lakas ang iba pang tulisan sa kanilang bagong kampo. Tiniyak ng TagaDisyerto sa kanyang mga kasama na mapagkakatiwalaan ang mga tulisan.

Magagawa pa ba ni Marikit (Charlie Dizon) ang utos sa kanya ni Matadora (Aiko Melendez)?

Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER