• Home
  • News
  • #BaganiKomplikadongMisyon Recap: May taksil?

#BaganiKomplikadongMisyon Recap: May taksil?

Mabubuking na ba si Lakam (Matteo)? #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

5/18/2018 in News
#BaganiKomplikadongMisyon Recap: May taksil?

Bilang paghahanda sa kanilang pagsalakay sa bayan ng TagaPatag, kinuha ni Matadora (Aiko Melendez) ang katapatan ng mga kawal ng TagaKalakal kagabi (Mayo 17) sa “Bagani”.

Ipinakita ng tulisan sa mga kawal na magaling siyang makipaglaban at pinatunayan niyang hindi siya duwag tulad ni Ama (Robert Sena) na tumatakbo mula sa laban.

Sa pagpupulong nina Matadora, Lakam (Matteo Guidicelli), at Undoy (Richard Quan), inilahad ng tulisan ang kanyang plano para sakupin muli ang bayan ng mga magsasaka - gagamitin nila ang kapangyarihan ni Lakam bilang bagani para pabagsakin ang bakod na pumapaligid sa bayan at gugulatin nila ang mga magsasaka sa kanilang pagsalakay.

Dumating ang hukluban (Minco Fabregas) ni Sarimaw (Ryan Eigenmann) at pinayuhan silang huwag maliitin ang kanilang kalaban. Nabalitaan niya na naghahanda na ang pangkat ng mga bagani para sa kanilang pagsalakay sa TagaPatag at sinabing marahil ay mayroon silang espiya sa kanilang kampo.  

Samantala sa bayan ng mga mangingisda, nakita na ni babaylan Gloria (Dimples Romana) ang mundo ng Dako Paroon gamit ang kanyang kapangyarihan, pero binalaan niya si Lakas (Enrique Gil) na malagim na kamatayan ang naghihintay sa kanya doon.

Mabubuking na ba ang pagtaksil ni Lakam?

Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     

Here are more “Bagani” recaps!
#BaganiDagundong Recap: Saklolo!

#KoneksyonNgBagani Recap: Buhay na buhay ang pagmamahal!

#BaganiGandangPangitain Recap: Nagpakita na si Makiling!

For “Bagani” photos:
Ang mga 'Bagani,' ipinagpasalamat ang tagumpay!

Aiko Melendez at iba pang artista, ipinakilala bilang mga bagong makakasama sa 'Bagani'

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER