• Home
  • News
  • #BaganiDagundong Recap: Saklolo!

#BaganiDagundong Recap: Saklolo!

Alam na ni Lakas (Enrique) kung nasaan si Ganda (Liza)! #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

5/17/2018 in News
#BaganiDagundong Recap: Saklolo!

Humingi na ng tulong si Ganda (Liza Soberano) mula kay Lakas (Enrique Gil) kagabi (Mayo 16) sa “Bagani”!

Mabilis na sinabi ng TagaPatag sa mandirigma na kasalukuyan siyang nakakulong sa mundo ng Dako Paroon at si Lakas lang ang makakatulong sa kanyang makalaya. Pinangako ng TagaDisyerto na gagawin niya ang lahat para maiuwi ang magsasaka sa Sansinukob.

Agad itong binalita ni Lakas kina Dumakulem (Makisig Morales), Liksi (Zaijian Jaranilla), at babaylan Gloria (Dimples Romana) dahil kailangan nilang gawin ang lahat para mailigtas si Ganda at mabuo ang mga bagani.

Pero may isa pa silang problema - kumikilos na si Sarimaw (Ryan Eigenmann). Nabalitaan nila na malapit nang salakayin ng hukbo ng makapangyarihang nilalang ang bayan ng TagaPatag para bawiin ito mula sa kamay ng mga magsasaka.

Ano ang uunahin nina Lakas - ang iligtas si Ganda o ang maghanda para sa isang digmaan?

Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     

Here are more “Bagani” recaps!
#KoneksyonNgBagani Recap: Buhay na buhay ang pagmamahal!

#BaganiGandangPangitain Recap: Nagpakita na si Makiling!

#BaganiBagongTuklas Recap: Ang balita ni Limon

For “Bagani” photos:
Ang mga 'Bagani,' ipinagpasalamat ang tagumpay!

Aiko Melendez at iba pang artista, ipinakilala bilang mga bagong makakasama sa 'Bagani'

 

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER