• Home
  • News
  • #KoneksyonNgBagani Recap: Buhay na buhay ang pagmamahal!

#KoneksyonNgBagani Recap: Buhay na buhay ang pagmamahal!

Sa wakas! Naniniwala na si Lakas (Enrique) na buhay si Ganda (Liza)! #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

5/16/2018 in News
#KoneksyonNgBagani Recap: Buhay na buhay ang pagmamahal!

Naramdaman ni Lakas (Enrique Gil) ang kapangyarihan ni Makiling (Maricar Reyes) kagabi (Mayo 15) sa “Bagani”.

Pagdating niya sa Isla ng Matutulis, nakita niyang nakukuryente si Marikit (Charlie Dizon) at ang kanyang mga kagrupong tulisan dahil sa pana ni Makiling. Niligtas niya ang mga tulisan at tinanong kung papaano napasakanila ang pana ng makapangyarihang nilalang.

 

Ipinaliwanag ni Marikit na nagpakita nga sa kanya si Makiling, pero hindi siya binigyan ng kapangyarihan. Sinabi niya na mukhang may gustong sabihin sa kanya ang nilalang. Sa sandaling iyon ay biglang umilaw ang pana at nagpakita muli si Makiling.

Ginamit muli ni Ganda (Liza Soberano) ang kanyang kapangyarihan para makakita mula sa mga mata ni Makiling at magsalita gamit ang kanyang bibig. Labis niyang ikinasaya ang makita muli ang kanyang minamahal na mandirigma.

Nang tinawag ng maharlikang magsasaka ang TagaDisyerto, nagulat si Lakas nang marinig ang boses ng kanyang mahal, patunay na buhay pa nga siya.

 

Samantala sa bayan ng mangangalakal, biglang sinugod si Lakam (Matteo Guidicelli) ng mga tulisan. Pagkatapos niyang talunin ang lahat ng umatake sa kanya, hinarap niya si Matadora (Aiko Melendez) at pinakinggan ang paliwanag na gusto lang makita ng tulisan ang galing ng baganing kanyang makakasama sa pagbawi sa bayan ng TagaPatag.

 

Si Matadora na ba ang makakatuklas sa pagtaksil ni Lakam kay Sarimaw (Ryan Eigenmann)?

Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     

Here are more “Bagani” recaps!
#BaganiGandangPangitain Recap: Nagpakita na si Makiling!

#BaganiBagongTuklas Recap: Ang balita ni Limon

#BaganiPagasaNiGanda Recap: Pokus sa misyon!

For “Bagani” photos:
Ang mga 'Bagani,' ipinagpasalamat ang tagumpay!

Aiko Melendez at iba pang artista, ipinakilala bilang mga bagong makakasama sa 'Bagani'

 

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER