• Home
  • News
  • #BaganiGandangPangitain Recap: Nagpakita na si Makiling!

#BaganiGandangPangitain Recap: Nagpakita na si Makiling!

Nakapili na ba si Makiling (Maricar) ng bagong #Bagani?

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

5/15/2018 in News
#BaganiGandangPangitain Recap: Nagpakita na si Makiling!
Mukhang hindi naniniwala si Lakas (Enrique Gil) na buhay pa si Ganda (Liza Soberano).
 
Kagabi (Mayo 14) sa “Bagani,” iminungkahi ni Lakas kay Dilag (Precious Lara Quigaman) na baka napanaginipan ni Limon (Lemuel Silvestre) si Ganda dahil pinananatili nilang buhay ang maharlikang magsasaka sa kanilang mga puso.
 
Pero sa labis na lungkot ng mandirigma sa alaala ng kanyang minamahal, napanaginipan niya ang mundo ng Dako Paroon kung nasaan kasalukuyang nakabilanggo ang TagaPatag at sinigaw ang pangalan ni Ganda sa kanyang paggising.
 
 
Sa Dako Paroon, tinangka muli ni Ganda na gamitin si Makiling (Maricar Reyes) para humingi ng tulong. Nagpakita ang makapangyarihang nilalang kay Marikit (Charlie Dizon) at siya ang nakita ni Ganda gamit ang mga mata ni Makiling.
 
 
 
Gamit ang bibig ni Makiling, humingi ng tulong si Ganda hanggang sa nawalan siya ng malay sa pagod ng kanyang kapangyarihan. Nang mawala si Makiling, nawalan din ng malay ang tulisan at biglang lumitaw ang pana ng nilalang sa kanyang tabi.
 
 
Samantala sa bayan ng mga mangisngisda, nagtagumpay si Liksi (Zaijian Jaranilla) sa kanyang misyon na kumbinsihin ang mga TagaLaot na pumanig sa kanila laban kay Sarimaw (Ryan Eigenmann). Napalaya na rin si Datu (Enzo Pineda)
 
 
Si Marikit na ba ang ikalimang bagani?
 
Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     
 
Here are more “Bagani” recaps!
 
 
 
 
For “Bagani” photos:
 
 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER