• Home
  • News
  • #BaganiBagongTuklas Recap: Ang balita ni Limon

#BaganiBagongTuklas Recap: Ang balita ni Limon

Nakarating na ang mensahe ni Ganda (Liza) kay Lakas (Enrique)! #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

5/14/2018 in News
#BaganiBagongTuklas Recap: Ang balita ni Limon

Sa balitang sumanib na ang mga tulisan kay Sarimaw (Ryan Eigenmann) ay naganaan ang pangkat nina Lakas (Enrique Gil) na maghanda para sa isang digmaan at bilisan ang paghahanap sa ikalimang “Bagani.” 

Noong nakaraang Biyernes (Mayo 11), pumunta ang mandirigma sa bayan ng mga magsasaka upang hanapin ang TagaPatag na magmamana sa kapangyarihan ni Makiling (Maricar Reyes). Sinabi sa kanya ni Dilag (Precious Lara Quigaman) na minsan nang nagparamdam ang makapangyarihang nilalang kay Limon (Lemuel Silvestre). Nilapitan nila ang magsasaka at nalaman na madalas na niyang napapanaginipan ang kanilang baganing si Ganda (Liza Soberano) na nagpapahiwating na buhay pa siya. 

Samantala sa bayan ng TagaDisyerto, dumating ang mga alipin na TagaLaot na si Bebe (Aiko Climaco) at ang kanyang ina para humingi ng tulong sa ngalan ng kanilang Datu (Enzo Pineda). Ibinalita nila sa pangkat ng mga bagani na nasa ilalilm na ni Undoy (Richard Quan) ang kanilang bayan at patuloy niyang nilalason ang mga utak ng mga mangingisda para manatiling tapat kay Sarimaw. Dagdag pa ni Bebe na plano ni Undoy ang patayin si Datu para tuluyang mapasailalim ni Sarimaw ang kanilang bayan. 

Agad na kumilos sina Liksi (Zaijian Jaranilla), Dumakulem (Makisig Morales), at babaylan Gloria (Dimples Romana) para iligtas ang mga TagaLaot. 

Magtatagumpay ba sila? 

Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     

Suggested tags: Bagani, Enrique Gil, Liza Soberano, Matteo Guidicelli, Makisig Morales, Zaijian Jaranilla, Ryan Eigenmann, Precious Lara Quigaman, Enzo Pineda, Star Creatives, fantaserye

Here are more “Bagani” recaps! 
“#BaganiPagasaNiGanda Recap: Pokus sa misyon!”

“#BaganiLiksiNgLaot Recap: Ang pinagmulan ni Liksi” 

“#AngLiksiNgBagani Recap: Tulong!” 

For “Bagani” photos: 
Ang mga 'Bagani,' ipinagpasalamat ang tagumpay!” 

Aiko Melendez at iba pang artista, ipinakilala bilang mga bagong makakasama sa 'Bagani'” 

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER