• Home
  • News
  • #BaganiPagasaNiGanda Recap: Pokus sa misyon!

#BaganiPagasaNiGanda Recap: Pokus sa misyon!

Tinanggihan ng pamilya ni Liksi (Zaijian) ang alok ni Sarimaw (Ryan)! #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

5/11/2018 in News
#BaganiPagasaNiGanda Recap: Pokus sa misyon!

Nakarating na ang balitang hawak ni Sarimaw (Ryan Eigenmann) ang pamilya ni Liksi (Zaijian Jaranila) sa kampo ng mga “Bagani” kagabi (Mayo 10).

Agad itong binalita ni Lakas (Enrique Gil) sa bagong bagani at pinangakong ililigtas nila ang kanyang pamilya sa unang pagkakataong meron sila, pero si Liksi na mismo ang pumigil sa mandirigma. Sinabi ni Liksi na hindi dapat sila magpaapekto sa mga plano ni Sarimaw para matupad nila ang kanilang misyon na iligtas ang buong Sansinukob.  

Sa halip na sugurin ang bayan ng mga mangangalakal para sagipin ang kanyang pamilya, iginiit ni Liksi na kailangan na niyang kausapin ang mga TagaLaot para sumanib sa kanilang pwersa.

Samantala sa bayan ng TagaKalakal, harap-harapang tinanggihan ni Koloko (Joonee Gamboa), ang lolo ni Liksi, ang alok ni Sarimaw sa kanila na maginhawang buhay kapalit ang katapatan ng kanyang apo. Nang bantaan sila ng kamatayan, buong loob niyang sinabi sa makapangyarihang nilalang na hindi takot ang kanyang pamilyang mamatay dahil isa rin itong uri ng kalayaan.

Samantala sa Dako Paroon, ikinuwento ni Ganda (Liza Soberano) kay Malaya (Kristine Hermosa) ang tungkol kay Lakas at kung napasakanya ang kapangyarihan ng Makiling. Sinabi ng diyosa na kung naging iisa sina Ganda at Makiling noon, dapat may ugnayan pa rin sila hanggang ngayon. Pinayuhan ni Malaya si Ganda na gamitin si Makiling para ipaalam kay Lakas kung nasaan siya.

Makakarating kaya kay Lakas ang mensahe ni Ganda?

Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     

 

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER