• Home
  • News
  • 'Kasal' cast give the low down on their characters and connections

'Kasal' cast give the low down on their characters and connections

Ano nga ba ang koneksyon ng karakter nina Cris, JC, at Vin kina Derek, Paulo, at Bea?

Cheska Espina
by
Cheska Espina

5/10/2018 in News
'Kasal' cast give the low down on their characters and connections

Last Tuesday, May 8, "Kasal" director Ruel S. Bayani, lead stars Derek Ramsay, Paulo Avelino, and Bea Alonzo, and cast members Cris Villonco, JC Alcantara, and Vin Abrenica faced and answered questions from the members of the press at their film's Grand Media Launch.

First order of business was to share their roles before going deeper to the storyline.

"Ako po I play Michelle," Cris said.

"I'm the campaign manager po of the character of Paulo and a good family friend of Paulo's family," she added.

JC's character is also related to Paulo's.

"Ako naman po dito si Michael Cordero. Kapatid po ako ni Kuya Paulo Avelino," he relayed.

Vin plays "Arvin Enriquez. Engineer consultant for BMA. Boss ko dito si Derek. Siya ang aking senior engineer."

Bea's character Lia is torn between her past (Wado) and present (Philip).

"Ako dito si Lia Marquez. Isa akong public school teacher. Simpleng babae na na-in love sa Prince of Cebu played by Paulo Avelino. Galing siya sa isang political family pero noong na-in love ako sa kanya hindi pa siya tatakbong mayor.

"Bago kami ikasal tsaka siya nag-decide to run. So galing sa isang simpleng buhay, maiiba talaga instantly 'yung buhay ko 'di ba, biglang public figure na ako. Hanggang sa babalik nga 'yung character ni Derek at doon darating sa'kin 'yung mga bagay na 'di ko naisip dati. Painful truth and the unknown truth. Ano ba ang mas mahirap tanggapin?" the Kapamilya actress shared.

Derek is Wado, Lia's former flame.

"Magkababata kami ni Lia. We were very much in love. I took off, I left the country to provide for the relationship but in doing so, I made some wrong decisions which ended up hurting the relationship and actually putting an end to the relationship.

"The feelings and the emotions are still there lalo na when I find out na she's moved on and I guess doing the highest level of love, getting married. That's where I panicked and come back to try and win her back," the hunk actor said.

Paulo, meanwhile, plays the present lover Philip.

"Ang karakter po na ginagampanan ko rito ay si Philip Cordero. Bale anak po ako ng mayor ng Cebu. Galing po ako sa isang political family at ikakasal ako kay Lia Marquez. Pero sa mga 'di inaasahang pangyayari, napilit akong tumakbo in place for my brother sa eleksyon. So naiipit ako sa pagtakbo sa eleksyon at sa kasal namin," the Kapamilya heartthrob shared.

So lalo ka na bang na-excited mapanood ang "Kasal?"

Don't worry, onting tulog na lang dahil this Ruel S. Bayani film will be out in cinemas starting May 16!

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER