• Home
  • News
  • #BaganiLiksiNgLaot Recap: Ang pinagmulan ni Liksi

#BaganiLiksiNgLaot Recap: Ang pinagmulan ni Liksi

Nagkakagulo sa bayan ng mga mangingisda! :O #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

5/10/2018 in News
#BaganiLiksiNgLaot Recap: Ang pinagmulan ni Liksi

Nagpulong na ang mga TagaDisyerto, TagaPatag, at TagaGubat kagabi (Mayo 9) sa “Bagani.”

Inulat ni Dakim (Christian Vasquez) ang impormasyong nakuha nila sa mga espiya sa TagaKalakal at kay Lakam (Matteo Guidicelli) sa lahat ng mga pinuno, na naghahanda si Sarimaw (Ryan Eigenmann) ng isang hukbo at iba’t ibang sandatang pandigma.

Sinabi ni Liksi (Zaijian Jaranilla) na kailangan nila ang tulong ng mga TagaLaot kung sila ay sasalakay sa bayan ng mga mangangalakal dahil kailangan nila ng pwersang pandagat. Ibinunyag niya na mula sa bayan ng mangingisda ang kanyang pamilyang alipin, pero binenta sila sa mga mangangalakal bago pa siya pinanganak.

At bilang kadugo nila, humingi si Liksi ng pahintulot para kausapin ang kanyang angkan na sumanib sa kanilang pwersa laban kay Sarimaw.

Samantala sa bayan ng TagaLaot, dinakip si Datu (Enzo PIneda) ng sarili niyang mga kawal sa ilalim ng utos ng kanyang heneral (Richard Quan). Hindi sumasang-ayon ang heneral sa pinag-iisipang pagtalikod ni Datu kay Sarimaw kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan para manatili sa panig ng makapangyarihang nilalang.

Magtatagumpay ba si Liksi?  

Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”! 

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER