• Home
  • News
  • #BAGANIParusa Recap: Ang bagong Bagani

#BAGANIParusa Recap: Ang bagong Bagani

Isang Bagani na si Liksi (Zaijian)!

Regina Tabora
by
Regina Tabora

5/1/2018 in News
#BAGANIParusa Recap: Ang bagong Bagani

Kagitingan at katapangan ang naging tema ng “Bagani” kagabi, Abril 30.

Nang dumating si Sarimaw (Ryan Eigenmann) sa pinagtataguan ng mga rebelde, nawalan na ang lahat ng pag-asa.

Walang may sapat na lakas para labanan siya, pero hindi nagpatinag si Liksi (Zaijian Jaranilla). Tumayo pa rin siya at lumaban kay Sarimaw kahit siya’y payatot at hindi mandirigma.

At nung akala na ng lahat na namatay si Liksi, napunta sa kanya ang panangga ni Mayari (Sofia Andres), na galing sa kapangyarihan ni Kataw (Ahron Villena). Naging Bagani si Liksi!

Matapos nito ay dumating sina Lakas (Enrique Gil), Dumakulem (Makisig Morales), at Babaylan (Dimples Romana) upang tulungan ang mga rebeldeng labanan si Sarimaw.

Matatalo na kaya si Sarimaw ngayong tatlong Bagani ang kalaban niya?

Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER