• Home
  • News
  • #BaganiUbusan Recap: Laban ni Ganda (Liza)

#BaganiUbusan Recap: Laban ni Ganda (Liza)

Tinama ni Ganda (Liza) ang kanilang pagkakamali :( #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

4/9/2018 in News
#BaganiUbusan Recap: Laban ni Ganda (Liza)
Hindi nagpatalo si Ganda (Liza Soberano) kay Sarimaw (Ryan Eigenmann) noong nakaraang Biyernes (Abril 6) sa “Bagani.”
 
Kasama sina babaylan Gloria (Dimples Romana), Dumakulem (Makisig Morales), at Lakas (Enrique Gil), tumakbo silang lahat palayo kay Sarimaw. Nung nakahabol na ang makapangyarihang nilalang, nagbukas si Gloria ng isang lagusan sa lugar na ligtas. Pumasok sa lagusan ang babaylan at TagaGubat, pero nahuli ni Sarimaw ang mandirigma gamit ang kanyang kapangyarihan.

 
Agad na pinana ni Ganda si Sarimaw at tinulungan si Lakas na makatakas.
 

 
Tinulak ng magsasaka ang mandirigma sa lagusan para siya ay makapasok agad, pero hindi siya sumunod.
 

 
Sa halip na tumakas, hinarap muli ng dalaga si Sarimaw at kinalaban ito. Tuluy-tuloy ang pagpana ng magsasaka sa makapangyarihang nilalang, pero hindi nanghina si Sarimaw sa kanyang pag-atake.
 
Pinanood nina Gloria at Dumakulem ang laban ng dalawa habang pinipilit ni Lakas na makabalik kay Ganda para matulungan at mailigtas siya.
 

 
Tinamaan si Ganda sa likod ng bungisngis ni Sarimaw. Bumangon siyang duguan at hinarap muna si Lakas bago bumalik sa kanyang laban. Sinabi niya sa binata na buuin niya muli ang mga bagani. Dagdag pa niya na mahal na mahal niya ang TagaDisyerto.
 

 
Hinarap muli ni Ganda si Sarimaw at nagsabong ang dalawa gamit ang kanilang kapangyarihan. Biglang may sumabog na maliwanag na ilaw at naglaho ang dalawa sa harap ng dalawang bagani at ng babaylan.
 
(insert photo of Ganda and Sarimaw - B8)
 

 
Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER