• Home
  • News
  • #BaganiLakasVsLakam Recap: Bagani vs. Bagani

#BaganiLakasVsLakam Recap: Bagani vs. Bagani

Nagharap na sina Lakas (Enrique) at Lakam (Matteo)! #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

4/4/2018 in News
#BaganiLakasVsLakam Recap: Bagani vs. Bagani
Nagkaroon na ng digmaan sa pagitan ng mga TagaDisyerto at mga TagaKalakal kagabi (Abril 3) sa “Bagani.”
 
Nilapitan din nina Lakam (Matteo Guidicelli) at Dumakulem (Makisig Morales) ang kapwa nilang bagani na si Mayari (Sofia Andres) at inimbitahan ang kanyang angkang sumali sa kanilang pagsugod sa mga TagaDisyerto. Agad na tumangi si Mayari sa kanilang alok at pinayuhan silang kausapin muna si Lakas (Enrique Gil) bago sila magsimula ng digmaan. Sumang-ayon ang mangingisda sa kanyang pinunong Datu (Enzo Pineda) na isang pagkakamali ang pinaplano nila.
 
 
Samantala sa bayan ng mga mangangalakal, tinago ni pinunong Ama (Robert Sena) ang imbitasyon ni Lakas para sa kanyang anak na mag-usap at maghanap ng ibang paraan para magkasundo sila. Sa halip ay nagpadala siya ng mga kawal sa bayan ng mga TagaDisyerto para sugurin sila sa dilim ng gabi.
 
Ipinagtanggol nina Kidlat (Rayver Cruz) at ng ibang mandirigma ang kanilang mga sarili nang makaharap ang mga kawal ng TagaKalakal, pero sinabi ni Ama kay Lakam na ang mga TagaDisyerto ang sumugod sa kanilang hukbo.
 
 
Sinabihan si Lakas ng kanyang tagapagbantay na palapit na ang hukbo ni Lakam na mayroong mga mandirigmang TagaKalakal, TagaGubat, at TagaPatag. Agad na inutos ng bagani na maghanda ang kanyang hukbo at minadali nilang salubungin ang kalaban.
 
 
 
Naglaban ang dalawang pangkat, hangga’t sa dumating si Mayari at tinigil ang digmaan. Pinaalala ng baganing mangingisda na ipinagkaloob sa kanila ang kapangyarihan nila para protektahan ang Sansinukob, hindi para saktan ang isa’t isa.
 
 
 
Dumating ang babaylang Gloria (Dimples Romana) sa gitna ng paglilibing ng mga TagaDisyerto sa kanilang nawalang mga kasama. Tinanong niya ang bagani kung pinakinggan niya ang kanyang babala, at ipinagtanggol ni Lakas ang kanyang desisyon dahil pinili nga niya ang tungkulin niya sa mga mahal niya sa buhay.
 
Narinig ni Ganda (Liza Soberano) ang pinag-uusapan nila. Ibinunyag na ng babaylan sa dalaga ang tunay niyang nakita sa kinabukasan ni Lakas. Pero sa halip na paniwalaan ng mandirigma ang sinasabi ni Gloria ay naniniwala siya na sila lamang ang makakagawa ng sarili nilang kapalaran.
 
 
Samantala sa bayan ng mga mangangalakal, lubos na pinaramdan ni Ama sa kanyang anak ang kanyang galit sa pagkabigo nilang pabagsakin ang mga TagaDisyerto. At dahil punung-puno na ng poot ang puso ni Lakam, nilapitan na siya ng tapagpagpayo (Minco Fabregas) na siya ring alagad ni Sarimaw (Ryan Eigenmann).
 
Wala na bang pag-asa ang pagkakaibigan nina Lakas at Lakam?
 
Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER