• Home
  • News
  • #BaganiPagpapalaya Recap: Tagumpay!

#BaganiPagpapalaya Recap: Tagumpay!

Nakalaya na sina Kataw (Ahron) at Makiling (Maricar!) #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

4/30/2018 in News
#BaganiPagpapalaya Recap: Tagumpay!

Isang malaking tagumpay ang naranasan ng pangkat ng mga “Bagani” noong nakaraang Biyernes (Abril 27)!

Gamit ang kapangyarihan ng mga Taong Lobo na sina Dakim (Christian Vasquez) at ang kanyang kaibigan, napalaya na nina Lakam (Matteo Guidicelli), Dumakulem (Makisig Moreles), at Gloria (Dimples Romana) ang bilanggong mga nilalang ni Apo (Diether Ocampo) na sina Kataw (Ahron Villena) at Makiling (Maricar Reyes).

Sinabihan sila ng babaylan na hanapin ang mga bagong bagani na karapat-dapat sa kanilang kapangyarihan at agad nila itong sinunod.

Samantala sa Kweba ng Bagong Pag-asa, kinuha ni Malong ang anting-anting na ipinagkatiwala ng babaylan kay Liksi (Zaijian Jaranilla) para makalabas ng kanilang taguan. Sa kanyang paglabas ay ibinunyag na hindi siya ang totoong ama ni Liksi kundi ang huklubang tagapayo (Minco Fabregas) ni Sarimaw (Ryan Eigenmann).

Ngayong alam na ng hukluban kung saan nagtatago ang mga rebelde, makakatakas pa ba sila kay Sarimaw?

Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER