• Home
  • News
  • #BaganiBabala Recap: Atras o abante?

#BaganiBabala Recap: Atras o abante?

Payag ba si Lakas (Enrique) sa plano ng mga kapwa #Bagani?

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

4/27/2018 in News
#BaganiBabala Recap: Atras o abante?
Dumating na sa bayan ng mga mangangalakal ang grupo nina Lakas (Enrique Gil) kagabi (Abril 26) sa “Bagani.”
 
Tinawag ni Gloria (Dimples Romana) ang baganing si Lakam (Matteo Guidicelli) gamit ang kanyang kapangyarihan para sila ay puntahan para pagpulungan ang kanilang pagsalakay.
 
Pinagkasundo nina Lakam, Dumakulem (Makisig Morales), at Gloria na kailangan maiwan muna si Lakas sa kanilang misyong palayain sina Kataw (Ahron Villena) at Makiling (Maricar Reyes) mula sa kulungan ni Sarimaw (Ryan Eigenmann).
 
 
At pumayag naman si Lakas sa kanilang plano para sa ikabubuti ng misyon.
 
Samantala sa Dako Paroon, ibinunyag ni Malaya (Kristine Hermosa) kay Ganda (Liza Soberano) na buhay pa siya at nasa mundo siya ng pangalawang pagkakataon kung saan niya pagbabayaran ang kanyang mga kasalanan. Binalaan ng diyosa ang dalaga na mag-ingat sa mga nilalang na makikita o makikilala niya sa mundong iyon dahil maaari siyang pagsamantalahan at saktan.
 
 
Magtatagumpay kaya sina Lakam sa kanilang misyon?
 
Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER