• Home
  • News
  • #BaganiBihag Recap: Ang daming nahuli!

#BaganiBihag Recap: Ang daming nahuli!

Nasa panganib ang pamilya ni Liksi (Zaijian) :( #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

4/24/2018 in News
#BaganiBihag Recap: Ang daming nahuli!

Wala talagang makakatakas sa kasalukuyang sitwasyon ng Sansinukob. :(

Sa bayan ng mga mangangalakal, pinabilanggo ng huklubang tagapayo (Minco Fabregas) ni Sarimaw (Ryan Eigenmann) ang pamilya ni Liksi (Zaijian Jaranilla) nang matuklasang sila ang nagpatakas sa bata.

Sa ilalim ng bantang kamatayan, inamin ni Malong na siya lamang ang nag-utos kay Liksi na tumakas, na walang kinalaman ang pamilya niya. Inutusan ni Sarimaw si Lakam (Matteo Guidicelli) na patayin ang alipin bilang pagsubok ng kanyang katapatan.

Binugbog ng maharlikang mangangalakal ang aliping nagkasala, pero hindi niya ito pinatay. Sinabi ni Lakam kay Sarimaw na lalo lang dadami ang kanilang mga kalaban kung wala silang awa pumatay.

Samantala, nakarating na ng Sansinukob ang grupo ng mga tulisan ni Marikit (Charlie Dizon). Napunta sila sa lupain malapit sa bayan ng mga magsasaka at nahuli ng ilang TagaPatag.

Nagpakilala sina Limon at ang kanyang grupo bilang hukbong magsasaka laban kay Sarimaw. Sinabi niya na hinihintay nila ang kanilang tagapagligtas na magpapabagsak sa kadiliman, ang magiting na mandirigma na si Lakas (Enrique Gil).

Agad na sinabi ng mga tulisan na mga kaibigan sila ni Lakas. Labis na ikinatuwa ng grupo ni Limon na marinig na buhay na buhay ang mandirigma at tinanggal nila ang gapos ng mga tulisan.

At sa panig naman nina Lakas, hindi naging madali ang kanilang paglalakbay.  Dahil hindi sila makadaan sa rutang malalapit sa mga rehiyong nasa ilalim ng kapangyarihan ni Sarimaw at ng kanyang mga alagad, pinili nilang tahakin ang daang sinasabing puno ng mababagsik na nilalang.

Pero sa kanilang paglalakbay ay sinalakay sila ng mga taong lobo at binihag sa kanilang pugad.  

>

Makakatakas ba sina Lakas?

Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER