• Home
  • News
  • #BaganiLakasIsBack Recap: May nagbabalik!

#BaganiLakasIsBack Recap: May nagbabalik!

Nakita na muli ni Lila (Ana) ang kanyang anak na si Lakas (Enrique)! <3 #bagani="">

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

4/19/2018 in News
#BaganiLakasIsBack Recap: May nagbabalik!
Nakabalik na ng Sansinukob si Lakas (Enrique Gil)!
 
Kagabi (Abril 18) sa “Bagani,” naglakbay sina babaylan Gloria (Dimples Romana), Dumakulem (Makisig Morales), Liksi (Zaijian Jaranilla), at ang grupong TagaDisyerto ni Lila (Ana Abad Santos) papunta sa kanilang pinagtataguang kweba.
 
Nang buksan ni Gloria ang lagusan papasok, bilang lumitaw at lumabas si Lakas galing dito!
 
 
Labis na ikinatuwa ni Lila na makitang buhay at ligtas ang kanyang anak.
 
 
Humingi ng tawad ang mandirgma sa kanyang ina na pinag-alala niya ito. Pinayuhan ni Lila si Lakas na gamitin ang sakit na nararamdaman niya bilang pagtibay sa kanyang loob dahil madaming umaasang siya ang magliligtas sa kanila mula sa kadilimang dala ni Sarimaw (Ryan Eigenmann).
 
 
Binigyan ng utos ni Lakas ang kapwa niyang TagaDisyerto - alamin ang kalagayan ng bawat bayan, kumuha ng impormasyon laban sa kalaban,  at ipagkalat ang balitang babangon muli ang mga bagani at ang Sansinukob.
 
 
Samantala sa bayan ng mga mangangalakal, pinatawag ni Sarimaw sina Kidlat (Rayver Cruz), Dilag (Precious Lara Quigaman), Ula (Mikylla Ramirez), at ang ama ni Dumakulem (Dwight Gaston). Inimbitahan niyang makisalo sila sa kanyang hapunan, pero tumanggi silang lahat.
 
Ipinaliwanag ng makapangyarihang nilalang sa kanila na wala siyang balak na patayin sila dahil gusto niyang kabilang sila sa perpektong mundo na binubuo niya. Pero pinaalam din ni Sarimaw na hindi siya magdadalawang-isip na patayin silang lahat kung patuloy silang sasanib kay Lakas.
 
 
Tatalikuran na ba nina Dilag, Kidlat, at iba pa ang mga bagani?
 
Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER