• Home
  • News
  • #BaganiTakas Recap: Ang tagapagligtas ni Lakas!

#BaganiTakas Recap: Ang tagapagligtas ni Lakas!

Sinagip ni Minokawa ang kanyang alagang bagani na si Lakas (Enrique) #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

4/18/2018 in News
#BaganiTakas Recap: Ang tagapagligtas ni Lakas!

Malapit nang patayin ng mga tulisan si Lakas (Enrique Gil)! :O

Kagabi (Abril 17) sa “Bagani,” lumaban ang mandirigma nung pupugutin na ni Higa (Eric Tai) ang kanyang ulo sa harap ng lahat ng mga tulisan para mapasakanila ang pinangakong ginto ni Sarimaw (Ryan Eigenmann).  

Kinalaban ni Lakas ang ilang piratang humarang sa kanyang daan, pero nawalan siya ng tatakbuhan dahil pinaligiran siya sa may dagat.

Nilapitan siya ni Matadora (AIko Melendez) at sinabihang tanggapin nalang niya ang kanyang kamatayan.

Biglang lumuhod ang TagaDisyterto at pinikit ang kanyang mga mata. Sa tingin ng mga tulisan, nagdadasal siya, na tinanggap na niya ang kapalaran niya, pero tinatawag na pala niya ang makapangyarihang nilalang na si Minokawa.

Sa bayan ng mga mangangalakal, pinahayag na si Sarimaw sa lahat ng kanyang pinamumunuan na wala na si Lakas, na pinatay na siya ng mga tulisang dagat. Pero nung susugod na sina Dumakulem (Makisig Morales) at Liksi (Zaijian Jaranilla), biglang nagliwanag ang espada ng Minokawa sa kamay ng batang mangangalakal.

Sumunod ang malakas na ingay na rinig nilang lahat at isang bolang apoy na nahuhulog mula sa langit.  Tumigil ito malapit sa kung nasaan sina Liksi at Dumakulem, at kinuha nito ang espada mula sa mga kamay ng bata. At sa ikinatuwa ng marami at ikinagalit ni Sarimaw, si Minokawa ang lumitaw mula sa bolang apoy.

Sa isla ng mga tulisan, biglang dumating si Minokawa at sinagip ang kanyang bagani nung pupugutin na ni Matadora ang kanyang ulo.

Maya-maya, ikinuwento nina Dumakulem at Liksi ang nangyari sa bayan ng mga mangangalakal kay babaylan Gloria (Dimples Romana). Ramdam ng TagaGubat na tinatawag na muli ni Lakas ang Minokawa, pero habang wala pa siya, sila ay naglakbay pauwi.

Nakasalubong ng tatlo ang grupo nina Lila (Ana Abad Santos) na narinig silang pinag-uusapan ang kanyang anak at tinanong kung totoong buhay pa siya.

Babalik na ba si Lakas sa kanyang pagiging bagani?

Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER