• Home
  • News
  • #BaganiWantedSiLakas Recap: Lakas, nahuli ng mga tulisan!

#BaganiWantedSiLakas Recap: Lakas, nahuli ng mga tulisan!

Bihag na si Lakas (Enrique)! :O #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

4/17/2018 in News
#BaganiWantedSiLakas Recap: Lakas, nahuli ng mga tulisan!
Nakarating na sa Isla ng Matutulis ang balitang hinahanap ng buong Sansinukob si Lakas (Enrique Gil) kagabi sa “Bagani” (Abril 16).
 
Binigay ng isang pirata kay Higa (Eric Tai) ang larawan ni Lakas na nahanap niya sa kanyang paglalakbay. Agad-agad niyang pinaalam kay Matadora (Aiko Melendez) na malaki ang pabuyang pinapangako ni Sarimaw (Ryan Eigenmann) kapalit ang ulo ni Lakas. Nagpalabas ang kanilang pinuno ng utos na ibihag si Lakas at patayin siya kung kinakailangan dahil ulo lang ang hinihingi ng pinuno ng Sansinukob.
 
 
Agad na hinanap ni Higa at ng kanyang grupo ang TagaDisyerto. Tinamaan nila ito sa ulo at dinala sa kulungan nung mawalan ng malay.
 
Paggising ni Lakas, si Matadora na ang kaharap niya. Pinaalam sa kanya ng tulisan na sila na mismo ang magdadala sa kanya pabalik sa Sansinukob buhay man o patay dahil may pabuyang kapalit ang pagbalik niya.
 

 

Tinanong ni Matadora kung sino ba talaga siya, kung bakit ang laki ng halaga niya sa panginoon ng Sansinukob. Sinagot naman ito ni Lakas, sinabing isa siyang bagani, bagay na pinagtawanan lamang ng tulisan. Pinagtawanan ni Matadora ang konsepto ng mga bagani dahil hindi na siya naniniwala dito pagkatapos siyang mapadpad sa isla.

 

Samantala sa Sansinukob, naghanda na sina babaylan Gloria (Dimples Romana), Dumakulem (Makisig Morales), at Liksi (Zaijian Jaranilla) para sa kanilang misyon.
 
 
At sa mahiwagang gubat naman, nakahanap na si Ganda (Liza Soberano) ng mga tutulong sa kanya. Pagkatapos siyang gapusin ng kakaibang kapangyarihan nung nagtangka siyang umalis, dalawang lalaki ang lumapit at sinabi sa kanya na kusang mawawala ang gapos kapag natanggap na niya na wala na siya sa Sansinukob kundi nasa mundo ng Dako Paroon.
 
 
Makakatakas ba si Lakas mula sa mga tulisan? At paano na si Ganda?
 
Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER