• Home
  • News
  • #BaganiTulisan Recap: Ito na ang mga pirata!

#BaganiTulisan Recap: Ito na ang mga pirata!

Nahuli si Lakas (Enrique) ng mga pirata! :O #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

4/11/2018 in News
#BaganiTulisan Recap: Ito na ang mga pirata!

Sa kabila ng pagsuko ni Lakas (Enrique Gil) sa kanyang pagiging “Bagani,” hindi niya napiligang tulungan ang mga nanganganib na sirena mula sa mga pirata kagabi (Abril 10).

Mabilis niyang natalo ang mga piratang nagtatangka sa buhay ng mga kaibigan niyang sirena at agad niyang pinalaya ang mga ito.

Pero nung nakaalis na ang mga sirena, may tumama sa batok ni Lakas at nawalan siya ng malay.  

Ginising ng mga pirata si Lakas nung siya ay nabihag na nila at agad na dinala sa kanilang barko para iharap sa kanilang kapitan.

Ikinagalit ni kapitan Marikit (Charlie Dizon) na pinakawalan ng mandirigma ang kanilang huling mga sirena at pinahayag na si Lakas na mismo ang kanilang ibebenta.

Samantala sa bayan ng mga mangangalakal, pinaniwala ni Sarimaw (Ryan Eigenmann) si Lakam (Matteo Guidicelli) na nagpakamatay si Ganda (Liza Soberano) dahil niloko siya ng TagaDisyertong minamahal niya. Pumayag na si Lakam na makipagtulungan sa makapangyarihang nilalang na pabagsakin ang mandirigma.

Pinapunta ng huklubang tagapayo (Minco Fabregas) ang lahat ng mga tagapaglingkod ng TagaKalakal sa isang lugar kung saan itatayo ang rebulto ng kanilang bagong hari. Pinagtrabaho sila nang walang pahinga at pinagbantaan ng kamatayan ang lahat ng magtatangkang sumuway sa utos.

Lalaban ba si Liksi (Zaijian Jaranilla)? At ano ang mangyayari kay Lakas?

Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER