• Home
  • News
  • #BaganiNasaanSiGanda Recap: Ang desisyon ni Lakas (Enrique)

#BaganiNasaanSiGanda Recap: Ang desisyon ni Lakas (Enrique)

Sa pagkawala ni Ganda (Liza), nawala na rin si Lakas sa mga #Bagani :(

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

4/10/2018 in News
#BaganiNasaanSiGanda Recap: Ang desisyon ni Lakas (Enrique)

Sa pagdating ni Sarimaw (Ryan Eigenmann) sa rehiyon ng mga mangangalakal, kumalat na ang balitang bumagsak na ang mga “Bagani” kagabi (Abril 9). 

Pinaalam ng mga mensaherong mangangalakal sa iba’t ibang bayan na namatay na sina Mayari (Sofia Andres) at Ganda (Liza Soberano), nagapi sina Lakas (Enrique Gil) at Dumakulem (Makisig Morales), at tuluyang tumalikod sa kabutihan si Lakam (Matteo Guidicelli). 

Habang nagkakagulo ang Sansinukob sa biglaang paghahari ni Sarimaw, nagluksa sina Lakas, Dumakulem, at babaylan Gloria (Dimples Romana) sa pagkamatay ni Ganda. 

Dinalhan ni Dumakulem ng pagkain si Lakas, pero naging sanhi lang ito ng away dahil hindi maayos na sinagot ng mandirigma ang mangangaso. 

Pinaghiwalay sila ni Gloria gamit ang kanyang kapangyarihan. Ipinaalala niya sa kanilang dalawa na sila nalang ang natitirang mga bagani at kailangan nilang magkaisa. Pero hindi nakinig si Lakas. Sinabi ni Lakas na lahat nalang ng taong mahal niya ay kinukuha sa kanya at napapaisip na siya kung may karapatan pa siyang maging masaya. 

At dahil hindi niya pinili ang buhay na punung-puno ng dalamhati, sinabi niya sa babaylan na ayaw na niyang maging bagani. 

Hindi na nilabanan ni Gloria ang desisyon ng mandirigma. Nagbukas siya ng isang lagusan para kay Lakas at agad namang tumawid ang TagaDisyerto. 

Samantala sa bayan ng TagaKalakal, lubhang nanghina si Sarimaw pagkatapos niyang kalabanin ang maharlikang magsasaka. 

Ibinunyag na nasa kanya ang kalasag ng Kataw (Ahron Villena) ni Mayari at ang pana ni Makiling (Maricar Reyes) ni Ganda. Plano ni Sarimaw na mapasakanya ang kapangyarihan ng mga bagani. 

Ngayong wala na rin si Lakas sa mga bagani, paano na ang Sansinukob?  

Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!     

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER