• Home
  • News
  • #Ang3PangBagani Recap: Sina Lakam, Dumakulem, at Mayari

#Ang3PangBagani Recap: Sina Lakam, Dumakulem, at Mayari

May hiling si Ganda (Liza) kay Lakas (Enrique) #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

3/9/2018 in News
#Ang3PangBagani Recap: Sina Lakam, Dumakulem, at Mayari
Nakilala na natin ang tatlo pang “Bagani” kagabi (Marso 8)!
 
Ang una ay si Lakam (Matteo Guidicelli) na pinakilalang naglililok. Nakatanggap siya ng isang mensahe para sa kanyang ama tungkol sa pagsugod ng kanilang hukbo sa mga magsasaka. Hinarap niya si Ama (Robert Sena) tungkol dito dahil maraming nasaktan, pero hindi siya pinakinggan. Pinamukha ni Ama na ibang-iba talaga si Lakam sa kanyang namayapang kapatid, na hindi niya maiintindihan ang kanyang mga desisyon dahil wala siyang ambisyon at makitid kung mag-isip.
 
 
Pangalawa si Dumakulem (Makisig Morales) na pinakilalang umaakyat ng puno para tingnan ang kapaligiran ng gubat. Pinagsabihan siya ng kanyang ama (Dwight Gaston) na huwag nang isipin ang kung anumang nasa labas ng gubat dahil walang mabuting nadudulot ang pakikisalamuha sa iba.
 
 
At pangatlo naman si Mayari (Sofia Andres) na pinakilalang naglilingkod sa mga maharlikang mangingisda. Napansin ng ibang alipin na tingin siya nang tingin sa kanilang pinunong Datu (Enzo Pineda) at siya ay tinutukso. Sinabihan siya na libreng mangarap basta’t tanggap niya na hindi ito matutupad.
 
 
Sa bayan ng mga TagaPatag, pinakilala ni Ganda (Liza Soberano) si Lakas (Enrique Gil) sa kanyang kapatid at pinuno ng kanyang angkan na si Dilag (Precious Lara Quigaman). Sa pahintulot ni Dilag ay pinakiusapan ni Ganda si Lakas na turuan silang magsasaka kung paano makipaglaban at maging pinuno ng kanilang hukbo. Ikinuwento niya na lagi silang sinasalakay ng mga magnanakaw dahil sa yaman ng kanilang lupa. Naniniwala si Ganda na kailangan nilang matutong ipaglaban ang kanilang mga sarili.  
 
 
Pumayag si Lakas sa hiling ng TagaPatag at nanatili sa kanilang bayan.
 
Ano kaya ang mangyayari sa pagsasanay ng mga magsasaka?
 
Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!  
 
Suggested tags: Bagani, Enrique Gil, Liza Soberano, Matteo Guidicelli, Sofia Andres, Makisig Morales, LizQuen, Precious Lara Quigaman, Robert Sena, Star Creatives, fantaserye
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER