• Home
  • News
  • #AngLakasNgBagani Recap: Lihim na lakas

#AngLakasNgBagani Recap: Lihim na lakas

May sikreto si Lakas (Enrique) mula sa kanyang angkan #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

3/7/2018 in News
#AngLakasNgBagani Recap: Lihim na lakas
Lumaki na si Lakas (Enrique Gil) sa “Bagani” kagabi (Marso 6)!
 
Sa halip na maging mandirigma tulad ng kanyang ginusto noong bata, si Lakas ay isang dakilang utusan ng mga mandirigma sa TagaDisyerto. Patuloy pa rin siyang pinahihirapan ng iba, pinagtatawanan at sinasaktan, pero hindi siya lumalaban.
 
 
Kahit na matagal nang wala ang kanyang amang si Agos (Albert Martinez), pinanghahawakan pa rin ni Lakas at ng kanyang inang si Lila (Ana Abad Santos) ang kanilang mga pinaniniwalaan. Mayroon silang maliit na komunidad na nagtatanim ng mga makakain at hindi nakikisalo sa mga nanakaw na pagkain ng mga mandirigma.
 
 
Isang hapon, pumunta si Lakas sa may kapatagan at kumuha ng lupa para sa kanilang taniman. Sumapit na ng gabi noong siya ay pabalik at nakita niyang may isang babaeng pinagtangkaan ng tatlong mandirigma.
 
Tinakpan ni Lakas ang kanyang mukha at niligtas ang babae. Kinalaban niya ang tatlong mandirigma ay siya ang nagtagumpay!
 

 

 
Pinaghandaan naman ng mga mandirigma ang kanilang pagsugod sa rehiyon ng TagaKalakal. Ngunit mukhang alam ng mga mandirigmang mangangalakal ang tungkol sa kanilang pagsugod dahil handa sila. Agad-agad silang pinaulanan ng mga panang umaapoy at maraming namatay. Sinigaw ni Dakim (Christian Vasquez) na umatras at sila ay umuwing talunan at lubos nang nanghihina.  
 
 
Kadarating lang ng mga mandirigma sa kanilang rehiyon, dumating na ang hukbo ng mandirigmang mangangalakal para sumugod habang mahina pa ang kanilang kalaban. Tinulungan ni Lakas ang mga kababaihan, matatanda, at mga bata tumakbo na magtago malayo sa labanan, pero sila mismo ang hinihintay ng mga TagaKalakal.
 
 
Samantala, sa rehiyon ng mga mangangalakal, nag-aalala si Ama (Robert Sena) para sa kanyang trono dahil narinig niyang buhay pa ang kanyang kapatid na si Lila at ang kanyang anak. At dahil may dugong maharlika si Lakas, maaari siyang maging pinuno ng TagaKalakal.
 
Mapoprotektahan ba ni Lakas ang kanyang angkan sa mga sumasalakay?
 
Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”! 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER