REGGEE'S DIGEST: 'Bagani' director is Richard Yap's business partner

Kilalanin ang isa pang "tigasing" direktor ng "Bagani"

Reggee Bonoan
by
Reggee Bonoan

3/7/2018 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: 'Bagani' director is Richard Yap's business partner
Iisa ang komento ng lahat na nakakapanood sa trailer ng Bagani, “Pelikula ba ito? Ang galing ha, ang laki masyado.”
 
Bukod kina Enrique Gil, Matteo Guidicelli, Makisig Morales, Sofia Andres, Liza Soberano, ay kasama rin sina Rayver Cruz, Maricar Reyes-Poon, Christian Vasquez, Enzo Pineda, Zaijian Jaranilla, Dimples Romana at marami pang iba mula sa direksyon nina Richard Arellano at Lester Pimentel mula sa Star Creatives.
 
Bago sa pandinig namin ang pangalang Lester Pimentel dahil hindi naman siya pumopronta at nalaman namin na siya pala ang nasa likod ng action scenes ng mga programang "La Luna Sangre," "Imortal," "Palos," "Panday," "Pedro Penduko," at sa ilang episodes ng "Wansapanataym."
 
Sabi ng taga-ABS-CBN, “hindi naman basta action lang ang idinidirek ni Lester, siyempre may dance choreography din ‘yan.”
 
 

A post shared by lesterpimentel (@lesterpimentel) on

 
Nakilala sa larangan ng martial arts si Direk Lester dahil naging Wushu World Champion pala si Direk Lester noong 1995; SEA (South East Asia) noong 1996 at 2005 naman sa Sea Games kaya intense training ang naranasan nina Enrique at Liza.
 
Kinuhang trainor ng Philippine National Team at naging parte na siya ng Wushu training sa iba’t ibang paaralan sa bansa ang nasabing direktor.
 
 

A post shared by lesterpimentel (@lesterpimentel) on

 
Tigasin pala talaga si Direk Lester, pero umaming nalula siya nung ialok sa kanya ang "Bagani" dahil sobrang challenging ito sa parte niya.
 
“When the concept was presented to me last 2016, my thoughts at that time was, ‘We don’t have the available talents and actors’ skills set to mount such a huge project.’
 
“But ABS-CBN and Star Creatives allowed me to start from scratch and train our actors and talents to produce skill sets to make Bagani a reality. It was a long process, two years and counting, but it was super worth it. Sana suportahan nila (the audience)," say ni direk Lester.
 
Anyway, hindi lang Wushu instructor si Direk Lester dahil isa rin siyang restaurateur at kasosyo niya ang aktor na si Richard Yap na nakilala bilang si Ser Chief, Papa Chen at ngayon naman ay si Martin sa "Sana Dalawa Ang Puso" na umeere ngayon bilang leading man ni Jodi Sta. Maria.
 
Pag-aari nila ang Wangfu chain of restaurants na kakabukas lang sa Ayala Cloverleaf, Vertis North at Ayala 30th.
 
Say ni direk Lester, “While there is an emerging passion for directing action materials, food is still one of my first loves. With the expansion of Wangfu, I, together with Richard and our partners are looking forward to opening more branches in the coming months and years.”
 
Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.  
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER