• Home
  • News
  • #UnangSabakNgBAGANI Recap: Ang pinagmulan ng mga TagaDisyerto

#UnangSabakNgBAGANI Recap: Ang pinagmulan ng mga TagaDisyerto

Ipinagbabawal na pag-ibig, pagtataksil, at araling mandirigma ang handog sa unang araw ng #Bagani!

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

3/6/2018 in News
#UnangSabakNgBAGANI Recap: Ang pinagmulan ng mga TagaDisyerto
Ang dami nang pasabog ng unang palabas ng “Bagani” kagabi (March 5)!
 
Nagbukas ang palabas nang matanda na si Lakas (Enrique Gil) at may kalaban pang kakaibang halimaw na bumubuga ng apoy!
 
 
Mukhang sa susunod na mga araw pa natin malaman kung bakit sila naglalaban, pero ikinuwento naman kung paano nabuo ang rehiyon ng TagaDisyerto.
 
Noon pala ang kabilang sa rehiyon ng TagaKalakal ang mga naninirahan sa TagaDisyerto, pero sila ay umalis dahil pinagbintangan silang mga magnanakaw. Ito ay nangyari dahil nalaman ng maharlikang ama ni Lila (Ana Abad Santos) na siya ay nakikipagrelasyon sa isang mandirigma, si Agos (Albert Martinez).  
 
 
Dahil ginalit ng mga mandirigma ang pinuno ng TagaKalakal, hindi sila tinulungan ng ibang rehiyon sa takot at sila ay napilitang manirahan sa disyerto. Sila rin ay napilitang magnakaw para matustusan ang kanilang mga pangangailangan, sa panghihikayat ni Dakim (Christian Vasquez) na anak ng kanilang pinuno na si Alab (Lito Pimentel), dahil walang kahit anong kayamanan ang kanilang bagong tirahan.
 
 
Pagkatapos ng ilang buwan ng pagiging magnanakaw ay iminungkahi ni Agos sa kanyang angkan na makipag-usap sa mga maharlikang mangangalakal para sila ay makabalik na. Pero ang kanilang pagpupulong ay napunta sa isang madugong labanan. Sinisi nina Dakim at ng buong angkan ang pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay kina Agos at Lila at tinatakan silang mga traydor.
 
 
Pagkatapos ng ilang taon, ang batang anak nina Agos at Lila na si Lakas (Zyren Luansing) ay gusto ring maging mandirigma tulad ng kanyang ama. Itinuro ni Agos sa kanyang anak kung paano makipaglaban pero ang pinakamahalagang aral na kanyang ipinasa ay ang pagmamahal sa pamilya at sa angkan.
 
 
Sumali si Lakas sa isang paligsahan ng mga batang nagsasanay maging mandirigma. Siya ang nanalo, pero hindi ito pinayagan ni Dakim dahil anak siya ng traydor. Binigay ni Dakim ang tagumpay sa kalaban ni Lakas na si Kidlat.
 
 
Si pinunong Alab ay nanghina pagkatapos ng paligsahan at idinala sa kanyang tahanan. Pinatawag niya si Agos at sinabi sa kanya ang katotoohanan ng nangyari sa pagitan ng kanilang angkan at ng mga maharlikang mangangalakal noon. Inamin niyang si Dakim ang may kagagawan ng labanan nila noon at itinago niya mula sa lahat para maprotektehan ang kanyang anak.
 
 
Gusto sanang ayusin ni Alab ang kanyang mga pagkakamali, pero siya ay pinatay ng sarili niyang anak bago niya nagawa ‘yun.
 
Hinarap din ni Dakim si Agos tungkol sa kanyang nalaman at siya rin ay pinatay para maprotektahan ang kanyang sirekto.
 
 
Nang mahanap ni Lakas ang bangkay ng kanyang ama at ito ay sinunog sa halip na inilibing, pinangako niyang ipagpapatuloy niya ang laban para mabalik ang dangal sa kanilang angkan.
 
Magiging mandirigma pa rin ba si Lakas? At mababalik ba niya ang dangal sa kanyang angakan? Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER