REGGEE'S DIGEST: Erik, bukod tanging nagustuhan ng Mama Bob ni Angeline
Pero bakit nga ba hanggang friends na lang sina Angeline at Erik?
Reggee Bonoan
by Reggee Bonoan
3/6/2018 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: Erik, bukod tanging nagustuhan ng Mama Bob ni Angeline

Single and not ready to mingle ang drama ni Angeline Quinto kahit na maraming non-showbiz na nanliligaw sa kanya ngayon.

Ang dahilan ng dalagang mag-aawit kaya ayaw niyang magkaroon ng boyfriend?

“Kasi po kapag na-in love ako, naapektuhan ang trabaho ko, eh sa ngayon trabaho po ang prayoridad ko. Ayokong mangyari iyon ngayon.  Maraming dapat unahin sa ngayon,” katuwiran ni Angge.

Anong nangyari na sa usapan nila noon ni Erik Santos na hihintayin siya kung kailan siya handang pumasok na sa relasyon?

“Wala nang hintayan Ate Reggs, hindi na namin napag-uusapan ni Erik ‘yun, magkaibigan na lang talaga kami. Siguro hanggang doon na lang kami,” saad ng dalaga.

At tungkol sa mga manliligaw niya, “gusto ko kasi ate Reggs, simple lang, hindi ko nakita iyon sa kanila (mga manliligaw) kaya siguro hindi nag-work out. Ang importante kasi sa akin, unang-una po, makakasundo ni Mama Bob (nagpalaki sa kanya), siyempre matimbang sa akin na gusto ng nanay ko.”

Namumukod tanging si Erik Santos lang daw ang lalaking nagustuhan ni Mama Bob.

“Sobrang gustung-gusto Ate Reggs at si Erik alam niya ‘yun. ‘Yung tipong kahit anong oras pumunta si Erik sa bahay, welcome siya.  Kasi si Erik malambing kay Mama Bob, kaya isa iyon sa nagustuhan ko sa kanya, sa kapatid ko. 

“Bihira kasi sa lalaki ang ganun na lahat pakikisamahan kaya naging malapit sa kanya ang Mama. Ang mama niya at mama ko, magkasundo,” pag-amin nito sa amin.

Sa ngayon ay nananatiling magkaibigan ang dalawang mang-aawit at saksi kami kung paano sila magharutan sa maraming tao na walang hiya-hiya.

“Actually, love naman namin ang isa’t isa, kaso wala na ‘yung romantic level,” say pa ng dalaga.

Two years ago ay nagkaroon ng relasyon sina Erik at Angeline, pero hindi rin sila nagtagal dahil nung nagyaya na ng kasal ang binata ay hindi pa handa ang dalaga dahil sa mga obligasyon niya sa pamilya.

Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc.  

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER