REGGEE'S DIGEST: Angeline, nagpabawas ng 'hinaharap'?

"Totoo po talaga ang boobs ko."

Reggee Bonoan
by
Reggee Bonoan

3/6/2018 in REGGEE'S DIGEST
0
REGGEE'S DIGEST: Angeline, nagpabawas ng 'hinaharap'?
Inamin sa amin ni Angeline Quinto na dumaan siya sa breast reduction tatlong taon na ang nakararaan.
 
Kaya pala mapapansing lumiit na ngayon ang upper bumper ng manga-awit.
 
Aniya, “36D po dati ang size ng boobs ko, ngayon 36B na lang.  Sobrang nahihirapan kasi akong mag-fit ng damit Ate Reggs.  Okay lahat ang fitting pero pagdating sa boobs, hindi masara. Si Pepsi Herrera (SLN) po rati ang nagbibihis sa akin at talagang nahihirapan din siya.”
 
Akala namin ay retokada rati ang boobs ng dalaga.
 
“Totoo po talaga ang boobs ko ate Reggs, hindi ako retokada,” saad nito.
 
Pero may consequences ang breast reduction. 
 
“Ang malungkot po, nung pipirma ako ng kontrata (waiver) bago ang surgery, nanalangin po ako na kung sakaling magka-baby po ako, may mga nabibili namang milk na galing sa ibang nanay (milk bank).  ‘Yun na lang po ang naisip ko kung sakaling magkaanak ako.”
 
Bukod sa pagbababawas ng boobs ay nagpalagay din ng talukap si Angge bukod pa sa nagpawas din ng taba four years ago.
 
“Sinasabi ng iba na nagpa-retoke ng ilong which is hindi naman po totoo, pinaplano ko palang magpa-trim ng ilong kasi sa totoo lang kapag wala akong make-up, malaki naman po talaga ‘yung ilong ko. 
 
“Siguro matapang lang ako magsalita ng mga ganitong bagay kasi ito ‘yung totoo.  Inamin ko rin na nagpa-liposuction ako four years ago at sa mata, nagpalagay ako ng talukap kasi ‘yung mga make-up artist ko rati nagrereklamo na ang hirap ko raw make-up-an sa mata, walang mapaglagyan ng eyeshadow,” pag-amin ni Angeline.
 
Dagdag pa niya, “Hindi ko po pina-cover dati kasi natakot po ako na kung anong isipin ng mga tao.  Pero ginawa ko ito kasi dito ako kumportable at alam kong malaki ang naitulong nito sa trabaho ko.”
 
Inamin din niyang may marka ang operasyon at hanggang ngayon ay hindi pa ito pinapatanggal ng dalaga.
 
“Nahirapan ako kasi keloidal ako, so may marka.  May paraan naman para mawala, hindi ko lang po pinagagawa pa kasi baka masaktan na naman ako.  Hindi naman po nakikita kaya hindi ko pa pinagawa,” katwiran ni Angeline.
 
Marami kasing trabahong maapektuhan kapag muling nagpa-surgery si Angge dahil sa ngayon ay regular siya sa "I Can See Your Voice" bilang isa sa singvestigators at "ASAP." May dalawang pelikulang gagawin pa at naghahanda na rin sa upcoming concert na "The Divas Live 2" na mangyayari ngayong Nobyembre sa Smart Araneta Coliseum kasama sina KZ Tandingan, Kyla. at Yeng Constantino.
 
Nakausap namin si Angeline sa ginanap na Cornerstone Concert Artists media conference nitong Lunes ng gabi sa Luxent Hotel.
 
Note: Reggee’s Digest stories are contributed by entertainment columnist Reggee Bonoan. Views and opinions made here do not state or reflect those of ABS-CBN Film Productions, Inc. 
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER