• Home
  • News
  • Kilalanin ang mga ‘Bagani’!

Kilalanin ang mga ‘Bagani’!

Here's everything you need to know about our newest heroes! #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

3/5/2018 in News
Kilalanin ang mga ‘Bagani’!

In preparation for tonight’s (March 5) big premiere, “Bagani” stars Liza Soberano, Matteo Guidicelli, Makisig Morales, Sofia Andres, and Enrique Gil guested on “Magandang Buhay” to share more about their characters.

“Ang character ko po is Ganda,” Liza introduced. “Siya ay TagaPatag. Kapatid po ako ng pinuno ng TagaPatag at ang angkan namin, hindi sila magaling makipaglaban. Dun magkakaroon ng conflict kasi ‘yung tribe namin is rich in resources - food, kasi kami ‘yung nagfa-farm so we provide food for the others. Magkakaroon ng mga magnanakaw, so kailangan naming matutong makipaglaban. Dun papasok ‘yung character ni Lakas para turuan si Ganda at ang buong angkan niya paano lumaban.”

“‘Yung character ko po naman dito, ‘yung pangalan niya Lakam. [Siya] ay [TagaKalakal], the trade region. Sila ‘yung pinakamayaman na region sa lahat. Sa totoo lang, hindi siya warrior, he’s an artist,” Matteo revealed. “He makes sculptures, he loves doing artistic things, but gusto niya i-prove sa daddy niya na kaya niyang maging warrior, kaya niyang maging leader, so mapapalaban siya para sa region.”

“Ako naman po si Dumakulem na TagaGubat. Ako po dito ay normal na nilalang at parang hinahanap ko po ‘yung sarili ko sa trade namin, sa region namin. Ako po ‘yung malikot ‘yung isip, always wondering. ‘Bakit kami enclosed lang sa gubat? Bakit hindi kami pwede lulmabas?’” Makisig shared.

“Ako po si Mayari. TagaLaot po ako. Nakatira po kami sa dagat. Isa po akong alipin sa aming lugar tapos gusto ko pong ma-save lahat ng tao sa amin kasi lahat kami naghihirap na. Mabibigyan po ako ng powers para ma-save lahat ng tao sa amin. Peacemaker po ako sa group namin,” Sofia disclosed.

“Ako po si Lakas. Ako po’y TagaDisyerto. Ang kwento po ni Lakas, he grew up knowing that his dad was a warrior. Pero ‘yung mga taga-Disyerto po kasi, desert ‘yung region nila. Wala silang resources, very poor sila. Sa mga angkan, pinaka-poor ang Disyerto, pero malalakas sila na mga mandirigma. ‘Yung mga warriors po ng desert, they use their skills to steal from other regions. Ang paniniwala po na tinuro sa ‘kin ng aking ama na si Albert Martinez is to become a warrior is not to use it for the bad, for negative things. It’s to protect and serve your country, your angkan, and your family,” Enrique said.

Don’t miss “Bagani” TONIGHT on Primetime Bida after “FPJ’s Ang Probinsyano”!  

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER