• Home
  • News
  • #ApoyVsBagani Recap: Ang pagbalik ng mga dragon

#ApoyVsBagani Recap: Ang pagbalik ng mga dragon

Hinarap ng mga #Bagani ang dati nilang kalaban

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

3/27/2018 in News
#ApoyVsBagani Recap: Ang pagbalik ng mga dragon
Sineryoso ng mga “Bagani” ang kanilang tungkulin at maiging binantayan ang Sansinukob kagabi (Marso 26).
 
Nilibot ni Lakas (Enrique Gil) ang buong bayan na nakasakay kay Minokawa, ang mahiwagang nilalang na ipinagkaloob sa kanya ni Apo (Diether Ocampo). Tinulungan niya ang mga mangangasong puksain ang sunog sa isang gubat at ang mga magsasaka sa kanilang problema sa peste. Samantala sa bayan ng mga mangangalakal, may mga nahuling magnanakaw si Lakam (Matteo Guidicelli).
 
 
Nagtungo si Ganda (Liza Soberano) sa bayan ng mga mandirigma para pasalamatan ang kanilang pinuno sa kanyang pagtulong, pero nahuli sila ni Lakas sa isang bagyong buhangin at sumilong sa bitbit niyang tela.
 
Habang sila ay nakabalot sa tela at hinihintay ang paglipas ng bagyo, kasama ni Kidlat (Rayver Cruz) ang ilan sa mga mandirigma at hinahanap nila ang nilalang na may kagagawan ng mga sunog.  
 
 
Umaga na nung sinabihan ng mandirigma ang dalawang bagani tungkol sa mga makapangyarihang nilalang na sumusunog sa paligid. Inilarawan ni Kidlat ang mga nilalang bilang dalawang halimaw na kasing laki ng higante na mayroong matutulis na ngipin at bumubuga ng apoy.
 
Naisip nina Lakas at Ganda na marahil ang mga halimaw na sinasabi ni Kidlat ay ang kambal na dragon na minsan na nilang nakalaban at agad nang naglakbay papunta sa kanila.
 
 
 
Gamit ang kapangyarihan ni Makiling (Maricar Reyes-Poon), nagpadala si Ganda ng mensahe sa tatlo pang bagani gamit ang kanyang pana at sila’y nakarating sa kanilang mga destinasyon. Agad na kumilos sina Lakam, Dumakulem (Makisig Morales), at Mayari (Sofia Andres) para tulungan ang kanilang mga kaibigan labanan ang kambal na dragon.
 
 
Habang kinakalaban nilang tatlo ang isang dragon, si Lakas naman ang hinahabol ng ikalawa. Ginamit ng mandirigma ang kapangyarihan ni Minokawa para labanan ang dragon. Lumabas ang mahiwagang anyo ng nilalang at nilusob ang dragon. Nung bumaga ng apoy ang dragon, hinigop ito ni Minokawa at siya naman ang bumuga ng mas malakas na apoy.
 
 
Nang bumagsak na ang dragon sa lakas ng apoy ni Minokawa, sinaksak pa ito ni Lakas. Palayo na ang pinuno ng mga TagaDisyerto nung biglang bumangon muli ang dragon at akmang umatake. Mabuti nalang at pinana ito agad ni Ganda at siniguradong patay na ang halimaw.
 
 
Nagpulong ang mga bagani pagkatapos ng kanilang tagumpay laban sa mga dragon. Inimbitahan nina Lakas at Ganda sina Lakam, Dumakulem, at Mayari na sumama sa kanila patungo sa tirahan ng babaylan na si Gloria (Dimples Romana), pero piniling umuwi nalang ng mangangalakal kaysa sumama sa kanila.
 
 
 
 
Samantala sa bayan ng mga mangangalakal, lubos na nagalit ang pinunong Ama (Robert Sena) nung marinig niya ang kanyang mga mamamayan na pinupuri si Lakas, na gusto nilang siya ang maging pinuno nila. Mas lalo pa niyang ikinagalit ang sinabi ng kanyang tagapayo (Minco Fabregas) na may mga mangangalakal na tumutulong kay Lila (Ana Abad Santos) para makuha niya muli ang trono.
 
 
Ano ang mangyayari sa samahan ng mga bagani kung si Lakas lang ang pinupuri ng lahat? At ano ang pinaplano ng tagapagpayo ni Ama?
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER