• Home
  • News
  • #PamanaNiApoSaBagani Recap: Ang kapangyarihan ni Apo

#PamanaNiApoSaBagani Recap: Ang kapangyarihan ni Apo

Kilalanin ang mga makapangyarihang nilalang ni Apo (Diether)! #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

3/26/2018 in News
#PamanaNiApoSaBagani Recap: Ang kapangyarihan ni Apo
Nagkagulong muli sa Sansinukob noong nakaraang Biyernes (Marso 23) sa “Bagani”!
 
Dumadami ang away sa bayan ng mga mangangaso; may malalang sakit na kumakalat sa bayan ng mga mangingisda; may mga pesteng sumisira sa lahat ng ani sa bayan ng mga magsasaka; at dumadalas ang mga bagyong buhangin sa bayan ng mga mandirigma.
 
Tingin nina Dumakulem (Makisig Morales), Mayari (Sofia Andres), Ganda (Liza Soberano), Lakam (Matteo Guidicelli), at Lakas (Enrique Gil) na lahat ng ito ay may kinalaman kina Apo (Diether Ocampo) at Sarimaw (Ryan Eigenmann).
 
 
Maya-maya ay dinukot ang limang bagani ng mga makapangyarihang nilalang na tumulong sa kanila dati at dinala sila kina Apo at Gloria (Dimples Romana).
 
 
Ibinahagi ni Apo sa kanilang lima na ikinulong na niya ang kanyang kapatid na si Sarimaw, pero napahamak siya sa pagsagawa nito. Gusto niyang ibigay sa kanila ang kanyang kapangyarihan bago siya tuluyang manghina.
 
 
Binigay ni Apo ang kapangyarihan ng Liwliwa (Cora Waddell) kay Dumakulem, ang kakayahang magpausbong ng kahit anong buhay sa lupa. Kay Mayari, ang kalasag ng Kataw (Ahron Villena) na magpoprotekta sa kahit anong mahalaga sa dalaga.
 
Kay Lakam ibinigay ni Apo ang kapangyarihan ni Bernardo Carpio (Benjie Paras) na magpapaigting sa kanyang lakas at bibigyan siya ng kakayahang bumuwag ng bundok at humati sa lupa. Kay Ganda, ang kapangyarihan ni Makiling (Maricar Reyes-Poon) na magbibigay sa kanya ng angking galing upang sugpuin ang kanyang mga kalaban.
 
At, sa wakas, kay Lakas ay binigay ni Apo ang kapangyarihan ng Minokawa na magpapalakas at magpapaliksi sa binata.
 
 
Pagkatapos niyang ibigay ang kanyang kapangyarihan sa limang bagani ay namaalam na si Apo.
 
Hinimok ng babaylan ang lima na ipagpatuloy ang laban para sa Sansinukob, na gamitin nila ang kanilang bagong kapangyarihan para sa ikabubuti ng nakararami.
 
 
Titibay ba ang pagkakaisa ng mga angkan sa bagong kapangyarihan ng mga bagani? O magiging sanhi ba ito ng bagong digmaan para sa paghahari ng Sansinukob?
 
Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER