• Home
  • News
  • #SiBabaylanNgBagani Recap: Ang dakilang babaylan

#SiBabaylanNgBagani Recap: Ang dakilang babaylan

Muntik nang mamatay si Lakas (Enrique)! :O #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

3/22/2018 in News
#SiBabaylanNgBagani Recap: Ang dakilang babaylan

Munting nang mawalang ng isang “Bagani” kagabi (Marso 21).

Nagdesisyon ang lima na hindi nila kalabanin ang kambal na dragon kaya naghiwalay muna sila at tumakbo. Si Lakas (Enrique Gil) at Ganda (Liza Soberano) ay hinabol ng isang dragon habang nasa likod naman nina Lakam (Matteo Guidicelli), Dumakulem (Makisig Morales), at Mayari (Sofia Andres) ang pangalawa.

Nung nawala na nina Lakas at Ganda ang dragon na humabol sa kanila, nagdesisyon ang maharlikang magsasaka na hahanapin niya ang kanilang mga kaibigan. Hindi sumang-ayon ang mandirigma sa kanyang plano at sinabing hayaan nalang niya na siya ang maghanap sa kanilang mga makasama, pero umalis na si Ganda nung hindi nakatingin si Lakas.

Agad na hinabol ni Lakas ang tumakas niyang kasama. Naabutan niya si Ganda na kaharap na ang isang dragon at niligtas niya ito mula sa bugang apoy.

via GIPHY

Pero hindi sila nakaligtas sa dragon. May natamaang puno ang buntot ng dragon at nasaksakan si Lakas ng isang sangay sa tiyan. Pinana ni Ganda ang dragon sa kanyang mata at tinakas ang nanghihinang mandirigma.  

Sinubukan ni Ganda na tigilan ang pagdurugo ng sugat ni Lakas nung ligtas na sila, pero hindi na kinaya ng mandirigma ang sakit at nawalan ng malay. Nagmakaawa si Ganda na gumising si Lakas, na ‘wag siyang iwan dahil mahal niya ito.

Nahanap sila nina Lakam, Dumakulem, at Mayari at agad nilang tinulungan si Lakas. Pero nung paalis na sila, nakaharap nila muli ang kambal na dragon.

Naligtas ang mga bagani dahil sa napakaliwanag na ilaw mula sa tungkod ng isang nilalang na humarang sa mga dragon. Nagpakilala ang kanilang tagapagligtas bilang Gloria (Dimples Romana), ang dakilang babaylan ng Sansinukob.

Dinala ng babaylan ang lima sa kanyang tirahan para matulungan ang sugatang mandirigma. Gumawa siya ng lunas para kay Lakas at pagkatapos niyang gamitin ito kasama ng kanyang kapangyarihan ay nagising na muli ang mandirigma at nawala ang kanyang sugat.

Nagpadala ng mensahe si Gloria kay Apo (Diether Ocampo) para sabihin sa kanya ang mga nangyari sa limang bagani at ikinagalit ng makapangyarihang nilalang na sinuway siya ng kanyang kapatid na si Sarimaw (Ryan Eigenmann).

Samantala sa bayan ng mga mangangalakal, narinig ni Lila (Ana Abad Santos) ang plano nina Ama (Robert Sena) at Dilag (Precious Lara Quigaman) na magsanib-pwersa para pagharian ang Sansinukob at agad niyang ikinuwento kay Kidlat (Rayver Cruz) na nasa panganib sila. Nilapitan din ang dating maharlika ng mga mangangalakal na gustong ibalik siya sa pamumuno ng kanilang bayan dahil siya ang karapat-dapat at hindi si Ama.

Ano ang gagawin ni Lila? At makukuha na ba ng mga bagani ang mga sagot na hinahanap nila?

Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!

SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER