• Home
  • News
  • #AngSimulaNgDigmaanSaBagani Recap: Kaguluhan sa Sansinukob

#AngSimulaNgDigmaanSaBagani Recap: Kaguluhan sa Sansinukob

Bumagsak na ang pinuno ng mga TagaDisyerto (Christian)! #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

3/15/2018 in News
#AngSimulaNgDigmaanSaBagani Recap: Kaguluhan sa Sansinukob
Nawalan ng pinuno ang mga mandirigmang TagaDisyerto kagabi (Marso 14) sa “Bagani.”
 
Pinatigil ni Lakas (Enrique Gil) ang pagsalakay ng kanyang angkan sa bayan ng magsasaka, pero dumating na si Dakim (Christian Vasquez) at pinatipon ang mga TagaPatag sa isang lugar. Pinaalam ng mandirigma sa mga magsasaka na nasa ilalim na sila ng kapangyarihan ng mga TagaDisyerto.
 
Bilang pinuno ng mga TagaPatag, sanabi ni Dilag (Precious Lara Quigaman) sa mandirigma na wala sa kanyang mga mamamayan ang makikinig at susunod sa kanya. Dahil sa kanyang pagsuway, inutusan ni Dakim si Lakas na patayin ang binibini.
 
 
 
Tumaggi si Lakas - bagay na ikinagalit ng kanyang pinuno. Nung papatayin na ni Dakim si Lakas, binunyag niya sa mandirigma na siya ang pumatay sa kanyang amang si Agos (Albert Martinez). Biglang nagkaroon ng kakaibang lakas ang binata at pinigilan niya ang kamay ni Dakim.
 
 
Ibinabagsak ni Lakas ang pinuno sa lupa at sinabi sa kanya na hindi sagot ang karahasan. Nang paalis na si Lakas, inutos ni Dakim sa kanyang hukbo na patayin ang mandirigma pero walang kumibo. Siya na mismo na umatake sa binata, pero mabilis na kumilos si Ganda (Liza Soberano) at nagbato ng espedang tumama sa likod ni Dakim para iligtas si Lakas.
 
 
 
 
Pagkatapos, biglang dumating ang mga mandirigmang mangangalakal at agad na lumaban ang mga TagaDisyerto.
 
 
Samantala sa rehiyon ng TagaLaot, nasabi na ni Dumakulem (Makisig Morales) kay Mayari (Sofia Andres) ang kanyang pakay - na kausapin ang kanilang Datu (Enzo Pineda) dahil may nagmamanipula sa kanilang mga angkan para magkagulo sa pagitan nila. Ngunit nahuli na sila, dahil nagsimula na ang digmaan ng mga mangingisda at mangangaso.
 
Pinilit pa rin nilang makalapit kay Datu at pinakiusapan siya na itigil ang digmaan sa pagitan ng kanilang mga rehiyon.
 
 
 
Makikinig ba si Datu sa kanyang tapat na alipin? At ano na ang mangyayari sa bayan ng mga magsasaka?
 
Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER