• Home
  • News
  • #MaLAKAStrumaydorKayGANDA Recap: Ang pagsugod ng mga TagaDisyerto

#MaLAKAStrumaydorKayGANDA Recap: Ang pagsugod ng mga TagaDisyerto

Tsk, tsk, tsk, Lakas (Enrique)... :( #Bagani

Danielle Aquino
by
Danielle Aquino

3/14/2018 in News
#MaLAKAStrumaydorKayGANDA Recap: Ang pagsugod ng mga TagaDisyerto
Handa na ang hukbo ng mga TagaDisyerto kagabi (Marso 13) sa “Bagani”!
 
Nang biglang tumahol ang mga aso ng mga magsasaka, kusang lumabas si Lakas (Enrique Gil) para malaman kung may mga kalaban sa malapit. Nagulat nalang siya nung nakaharap niya si Kidlat (Rayver Cruz) at sinabihang nandun na ang kanilang hukbo.
 
 
 
Dinala ni Kidlat agad si Lakas kay Dakim (Christian Vasquez) para masimulan ang kanilang pagsalakay sa mga magsasaka. Pinuri ng kanilang pinuno ang tagumpay ni Lakas, pero lubos na nagalit nung sinabi ng mandirigma na hindi niya bubuksan ang lagusan para sa kanila.
 
 
Binantaan ni Dakim si Lakas na kung hindi niya susundin ang kanyang utos at buksan ang lagusan ay buhay ng kanyang inang si Lila (Ana Abad Santos) ang kapalit ng kanyang pagsuway.
 
 
At dahil mapagmahal na anak si Lakas, pinili niyang iligtas ang kanyang ina at pinapasok ang hukbo ng mga TagaDisyerto sa bayan ng mga magsasaka.
 
 
 
Samantala sa bayan ng mga TagaGubat, walang naniwala kay Dumakulem (Makisig Morales) nang sabihin niyang inosente ang mga TagaLaot sa pagsunog ng gubat at isang mansisilat ang may kagagawan. Dahil pinagtawanan lang siya, pumunta si Dumakulem sa bayan ng mga mangingisda para kausapin ang kanilang Datu (Enzo Pineda) tungkol sa nalalapit na pagsugod ng kanyang angkan.
 
Sa halip na pakinggan siya tulad ng kanyang pinaniniwalaan, agad na pinautos ng isang mangingisdang mandirigma (Richard Quan) na patayin si Dumakulem nang siya ay nagpakilala.  
 
 
Tumakbo si Dumakulem at nagtago sa isang tirahan, pero hindi niya alam nasa loob pala si Mayari (Sofia Andres). Tinamaan ng alipin ang nanghimasok na TagaGubat sa ulo at siya ay nawalan ng malay.
 
Pakikinggan ba ni Mayari ang kwento ni Dumakulem? At ano ang mangyayari sa mga magsasakang sinalakay ng mga TagaDisyerto?
 
Abangan ang “Bagani” gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”!
SHARE ON FACEBOOK
SHARE ON TWITTER