Angelica, is it normal na ma-turn off sa taong sobrang gustung-gusto ka?
Angelica Panganiban: “Human nature, 'di ba?”
What do you mean?
Angelica: “Kapag gustung-gusto ka, parang wala ka nang hahanapin. Walang challenge dun sa mga taong gustung-gusto ka.”
Like how?
Angelica: “Gusto mo 'yung medyo nahihirapan ka. Mas may texture kasi 'yung. ‘Yiee, may crush kaya siya sa'kin?!’ Totoo namang nakakakilig 'yung mga gano'n, kesa 'yung all out. Hinahabol ka, masyadong papansin sa'yo, gandang-ganda sa'yo.”
Ayaw mo ‘pag may gandang-ganda sa’yo?
Angelica: “Dapat kasi ang gandang-ganda lang, ikaw lang sa sarili mo. GGSS ka lang lagi.”
Bakit naman?
Angelica: “'Pag ibang tao medyo annoying talaga 'yan. Mas nakakakilig pa din 'yung process na hindi niyo alam, may hiyaan, may kilig.”
But will it always be like that?
Angelica: “I think pwede ka din namang magsawa, maghintay na lang kayo.”
Any advice para sa mga taong with the same perception?
Angelica “Siguro mas i-open mo lang din 'yung sarili mo. Open natin 'yung opportunities. Malay mo napapalagpas mo si Mr. Right?”
("Ask Angelica," January 9, 2018)